Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #55 Translated in Filipino

إِنَّا لَنَنْصُرُ رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُومُ الْأَشْهَادُ
Katotohanan na walang pagsala na Aming gagawin na matagumpay ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan niAllah, sa Islam) sa buhay sa mundong ito at sa Araw na ang mga saksi ay magsisitambad (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
يَوْمَ لَا يَنْفَعُ الظَّالِمِينَ مَعْذِرَتُهُمْ ۖ وَلَهُمُ اللَّعْنَةُ وَلَهُمْ سُوءُ الدَّارِ
Sa Araw na ang kanilang mga dahilan ay walang magiging kapakinabangan sa Zalimun (mga tampalasan, buktot, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.). Sasakanila ang sumpa at ang tahanan ng kapighatian (kaparusahan sa Impiyerno)
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْهُدَىٰ وَأَوْرَثْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ الْكِتَابَ
Noong panahong nauna ay katotohanang Aming ibinigay kay Moises ang Patnubay at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ay magmana sa Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas)
هُدًى وَذِكْرَىٰ لِأُولِي الْأَلْبَابِ
Isang patnubay at paala-ala sa mga tao na may pang-unawa
فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ وَاسْتَغْفِرْ لِذَنْبِكَ وَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ بِالْعَشِيِّ وَالْإِبْكَارِ
Kaya’t maging matimtiman (O Muhammad). Katotohanan, ang pangako ni Allah ay tunay, at humingi ng kapatawaran sa iyong pagkukulang at luwalhatiin sa pagpupuri ang iyong Panginoon sa dapithapon at sa umaga

Choose other languages: