Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #47 Translated in Filipino

لَا جَرَمَ أَنَّمَا تَدْعُونَنِي إِلَيْهِ لَيْسَ لَهُ دَعْوَةٌ فِي الدُّنْيَا وَلَا فِي الْآخِرَةِ وَأَنَّ مَرَدَّنَا إِلَى اللَّهِ وَأَنَّ الْمُسْرِفِينَ هُمْ أَصْحَابُ النَّارِ
“walang alinlangan na hinahangad ninyong manawagan ako sa kanya (diyus-diyosan) na walang kaangkinan upang tawagan maging sa mundong ito o sa Kabilang Buhay. Ang ating pagbabalik ay kay Allah at ang mga tampalasan sa paglabag ay maninirahan sa Apoy!”
فَسَتَذْكُرُونَ مَا أَقُولُ لَكُمْ ۚ وَأُفَوِّضُ أَمْرِي إِلَى اللَّهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بَصِيرٌ بِالْعِبَادِ
“Hindi magtatagal ay inyong maaala-ala kung ano ang aking sinasabi sa inyo (ngayon). Ang aking (sariling) pangyayari (kahahantungan) ay inilalaan ko kay Allah; sapagkat si Allah ay lagi nang nagmamasid sa Kanyang mga lingkod.”
فَوَقَاهُ اللَّهُ سَيِّئَاتِ مَا مَكَرُوا ۖ وَحَاقَ بِآلِ فِرْعَوْنَ سُوءُ الْعَذَابِ
Kaya’t iniligtas siya ni Allah sa lahat ng mga kasamaan na tinangka nila (laban sa kanya), habang ang masamang kaparusahan ay bumalot sa pamayanan ni Paraon
النَّارُ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا غُدُوًّا وَعَشِيًّا ۖ وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ أَدْخِلُوا آلَ فِرْعَوْنَ أَشَدَّ الْعَذَابِ
Sa Apoy; sila ay nakatambad dito sa umaga at hapon at sa araw na ang Takdang Sandali ay ititindig (ang mga anghel ay pagsasabihan): “Hayaan ang pamayanan ni Paraon ay pumasok sa pinakamatinding kaparusahan!”
وَإِذْ يَتَحَاجُّونَ فِي النَّارِ فَيَقُولُ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا نَصِيبًا مِنَ النَّارِ
At pagmasdan! Sila ay magsisipagtalo-talo sa apoy! Ang mga mahihina (na sumunod) ay magsasabi sa mga palalo: “Aming sinunod lamang kayo, mangyaring kunin ninyo sa amin ang ilang bahagi ng Apoy?”

Choose other languages: