Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #49 Translated in Filipino

فَوَقَاهُ اللَّهُ سَيِّئَاتِ مَا مَكَرُوا ۖ وَحَاقَ بِآلِ فِرْعَوْنَ سُوءُ الْعَذَابِ
Kaya’t iniligtas siya ni Allah sa lahat ng mga kasamaan na tinangka nila (laban sa kanya), habang ang masamang kaparusahan ay bumalot sa pamayanan ni Paraon
النَّارُ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا غُدُوًّا وَعَشِيًّا ۖ وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ أَدْخِلُوا آلَ فِرْعَوْنَ أَشَدَّ الْعَذَابِ
Sa Apoy; sila ay nakatambad dito sa umaga at hapon at sa araw na ang Takdang Sandali ay ititindig (ang mga anghel ay pagsasabihan): “Hayaan ang pamayanan ni Paraon ay pumasok sa pinakamatinding kaparusahan!”
وَإِذْ يَتَحَاجُّونَ فِي النَّارِ فَيَقُولُ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا نَصِيبًا مِنَ النَّارِ
At pagmasdan! Sila ay magsisipagtalo-talo sa apoy! Ang mga mahihina (na sumunod) ay magsasabi sa mga palalo: “Aming sinunod lamang kayo, mangyaring kunin ninyo sa amin ang ilang bahagi ng Apoy?”
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُلٌّ فِيهَا إِنَّ اللَّهَ قَدْ حَكَمَ بَيْنَ الْعِبَادِ
Sila na mga palalo ay magsasabi: “Tayong lahat (ay sama-sama) sa (Apoy) na ito. Katotohanang si Allah ay humatol sa pagitan ng Kanyang mga lingkod!”
وَقَالَ الَّذِينَ فِي النَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ادْعُوا رَبَّكُمْ يُخَفِّفْ عَنَّا يَوْمًا مِنَ الْعَذَابِ
Sila na nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon na pagaanin sa amin ang kaparusahan ng Apoy kahit na sa isang araw (lamang)!”

Choose other languages: