Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #51 Translated in Filipino

وَإِذْ يَتَحَاجُّونَ فِي النَّارِ فَيَقُولُ الضُّعَفَاءُ لِلَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُنَّا لَكُمْ تَبَعًا فَهَلْ أَنْتُمْ مُغْنُونَ عَنَّا نَصِيبًا مِنَ النَّارِ
At pagmasdan! Sila ay magsisipagtalo-talo sa apoy! Ang mga mahihina (na sumunod) ay magsasabi sa mga palalo: “Aming sinunod lamang kayo, mangyaring kunin ninyo sa amin ang ilang bahagi ng Apoy?”
قَالَ الَّذِينَ اسْتَكْبَرُوا إِنَّا كُلٌّ فِيهَا إِنَّ اللَّهَ قَدْ حَكَمَ بَيْنَ الْعِبَادِ
Sila na mga palalo ay magsasabi: “Tayong lahat (ay sama-sama) sa (Apoy) na ito. Katotohanang si Allah ay humatol sa pagitan ng Kanyang mga lingkod!”
وَقَالَ الَّذِينَ فِي النَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ادْعُوا رَبَّكُمْ يُخَفِّفْ عَنَّا يَوْمًا مِنَ الْعَذَابِ
Sila na nasa Apoy ay magsasabi sa mga tagapagbantay ng Impiyerno: “Manalangin kayo sa inyong Panginoon na pagaanin sa amin ang kaparusahan ng Apoy kahit na sa isang araw (lamang)!”
قَالُوا أَوَلَمْ تَكُ تَأْتِيكُمْ رُسُلُكُمْ بِالْبَيِّنَاتِ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۚ قَالُوا فَادْعُوا ۗ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ
Sila ay mangungusap: “Hindi baga nakarating sa inyo ang mga Tagapagbalita na may dalang maliwanag na mga Tanda at Katibayan?” Sila ay magsasabi: “Tunay nga.” Sila ay papakli: “Kung gayon, manalangin kayo (sa nais ninyo)! Datapuwa’t ang panalangin ng mga walang pananampalataya ay walang saysay maliban sa kamalian!”
إِنَّا لَنَنْصُرُ رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَيَوْمَ يَقُومُ الْأَشْهَادُ
Katotohanan na walang pagsala na Aming gagawin na matagumpay ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan niAllah, sa Islam) sa buhay sa mundong ito at sa Araw na ang mga saksi ay magsisitambad (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)

Choose other languages: