Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #37 Translated in Filipino

يَوْمَ تُوَلُّونَ مُدْبِرِينَ مَا لَكُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Sa Araw na kayo ay tatalikod at tatalilis. walang sinumang tagapagtanggol ang maaasahan ninyo mula kay Allah. Sinumang naisin ni Allah na mapaligaw, walang sinuman ang sa kanya ay makakapamatnubay
وَلَقَدْ جَاءَكُمْ يُوسُفُ مِنْ قَبْلُ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا زِلْتُمْ فِي شَكٍّ مِمَّا جَاءَكُمْ بِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَنْ يَبْعَثَ اللَّهُ مِنْ بَعْدِهِ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُرْتَابٌ
“At sa inyo ay dumatal si Hosep, sa mga panahong lumipas na may dalang maliwanag na mgaTanda, datapuwa’t hindi kayo tumigil sa pag-aalinlangan tungkol (sa misyon) kung bakit siya ay isinugo; at sa kalaunan nang siya ay mamatay, kayo ay nagsabi: wala ng iba pang Tagapagbalita ang ipapadala ni Allah pagkatapos niya”. At sa ganito ay hinahayaan ni Allah na maligaw ang isang tampalasan at isang lagi nang may pag-aalinlangan (sa mensahe at Kaisahan ni Allah)
الَّذِينَ يُجَادِلُونَ فِي آيَاتِ اللَّهِ بِغَيْرِ سُلْطَانٍ أَتَاهُمْ ۖ كَبُرَ مَقْتًا عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ الَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ يَطْبَعُ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلْبِ مُتَكَبِّرٍ جَبَّارٍ
Sila na nagsisipagtalo tungkol sa mga Tanda ni Allah na walang anumang kapamahalaan ang iginawad sa kanila, ito ay katotohanang nakakasuklam sa paningin ni Allah at ng mga sumasampalataya. Sa ganito ay ipinipinid ni Allah ang puso ng bawat mapagpaimbabaw at mapaniil (upang hindi nila mapatnubayan ang kanilang sarili sa tamang landas)
وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا هَامَانُ ابْنِ لِي صَرْحًا لَعَلِّي أَبْلُغُ الْأَسْبَابَ
Si Paraon ay nagsabi: “O Haman! Itindig mo sa akin ang isang matayog na palasyo, upang aking marating ang mga daan
أَسْبَابَ السَّمَاوَاتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ كَاذِبًا ۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوءُ عَمَلِهِ وَصُدَّ عَنِ السَّبِيلِ ۚ وَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ إِلَّا فِي تَبَابٍ
Ang mga daan upang (maabot) ko ang kalangitan, at doon ay aking makita ang Diyos ni Moises; datapuwa’t katotohanan, inaakala ko na siya ay sinungaling!” Kaya’t ito ay ginawang kalugod-lugod sa paningin ni Paraon, ang kasamaan ng kanyang mga gawa, at siya ay hinadlangan sa tamang landas at ang tangka ni Paraon ay naghatid sa kanya sa wala maliban sa pagkapariwara at kapinsalaan (sa kanya)

Choose other languages: