Surah Ghafir Ayahs #40 Translated in Filipino
وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا هَامَانُ ابْنِ لِي صَرْحًا لَعَلِّي أَبْلُغُ الْأَسْبَابَ
Si Paraon ay nagsabi: “O Haman! Itindig mo sa akin ang isang matayog na palasyo, upang aking marating ang mga daan
أَسْبَابَ السَّمَاوَاتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ كَاذِبًا ۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوءُ عَمَلِهِ وَصُدَّ عَنِ السَّبِيلِ ۚ وَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ إِلَّا فِي تَبَابٍ
Ang mga daan upang (maabot) ko ang kalangitan, at doon ay aking makita ang Diyos ni Moises; datapuwa’t katotohanan, inaakala ko na siya ay sinungaling!” Kaya’t ito ay ginawang kalugod-lugod sa paningin ni Paraon, ang kasamaan ng kanyang mga gawa, at siya ay hinadlangan sa tamang landas at ang tangka ni Paraon ay naghatid sa kanya sa wala maliban sa pagkapariwara at kapinsalaan (sa kanya)
وَقَالَ الَّذِي آمَنَ يَا قَوْمِ اتَّبِعُونِ أَهْدِكُمْ سَبِيلَ الرَّشَادِ
Ang tao na sumasampalataya ay muling nagsalita: “o aking pamayanan! Inyong sundin ako, at aking papatnubayan kayo sa tumpak na landas (alalaong baga, aking papatnubayan kayo sa relihiyon ni Allah, ang Kaisahan ni Allah at sa Islam na rito ay isinugo si Moises).”
يَا قَوْمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا مَتَاعٌ وَإِنَّ الْآخِرَةَ هِيَ دَارُ الْقَرَارِ
“o aking pamayanan! Ang pangkasalukuyang buhay na ito ay isa lamang (pansamantalang) kasiyahan. Ang Kabilang Buhay ang siyang tahanan na magtatagal.”
مَنْ عَمِلَ سَيِّئَةً فَلَا يُجْزَىٰ إِلَّا مِثْلَهَا ۖ وَمَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ يُرْزَقُونَ فِيهَا بِغَيْرِ حِسَابٍ
“Siya na gumawa ng kasamaan ay hindi babayaran maliban sa katumbas nito; at siya na gumawa ng matutuwid na gawa, lalaki man o babae, at isang mananampalataya; sila ang magsisipasok sa Halamanan (ng kaligayahan). dito, sasakanila ang kasaganaan na walang hanggan.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
