Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #34 Translated in Filipino

وَقَالَ الَّذِي آمَنَ يَا قَوْمِ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ مِثْلَ يَوْمِ الْأَحْزَابِ
At nangusap ang tao na sumasampalataya: “o aking pamayanan! Katotohanang ako ay nangangamba para sa inyo sa isang bagay na katulad ng araw (ng kapahamakan) ng mga magkakapangkat (ng panahong nauna)
مِثْلَ دَأْبِ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ وَالَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۚ وَمَا اللَّهُ يُرِيدُ ظُلْمًا لِلْعِبَادِ
Na katulad nang kinasapitan ng mga angkan ni Noe, ni A’ad, at ni Thamud, at sa mga sumunod sa kanila. Datapuwa’t si Allah ay hindi kailanman naghahangad ng kawalang katarungan sa Kanyang mga lingkod
وَيَا قَوْمِ إِنِّي أَخَافُ عَلَيْكُمْ يَوْمَ التَّنَادِ
“At, o aking pamayanan! Pinangangambahan ko sa inyo ang Araw na magkakaroon nang sabay na pagtatawagan (sa pagitan ng mga tao nang Impiyerno at Paraiso)
يَوْمَ تُوَلُّونَ مُدْبِرِينَ مَا لَكُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Sa Araw na kayo ay tatalikod at tatalilis. walang sinumang tagapagtanggol ang maaasahan ninyo mula kay Allah. Sinumang naisin ni Allah na mapaligaw, walang sinuman ang sa kanya ay makakapamatnubay
وَلَقَدْ جَاءَكُمْ يُوسُفُ مِنْ قَبْلُ بِالْبَيِّنَاتِ فَمَا زِلْتُمْ فِي شَكٍّ مِمَّا جَاءَكُمْ بِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا هَلَكَ قُلْتُمْ لَنْ يَبْعَثَ اللَّهُ مِنْ بَعْدِهِ رَسُولًا ۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ اللَّهُ مَنْ هُوَ مُسْرِفٌ مُرْتَابٌ
“At sa inyo ay dumatal si Hosep, sa mga panahong lumipas na may dalang maliwanag na mgaTanda, datapuwa’t hindi kayo tumigil sa pag-aalinlangan tungkol (sa misyon) kung bakit siya ay isinugo; at sa kalaunan nang siya ay mamatay, kayo ay nagsabi: wala ng iba pang Tagapagbalita ang ipapadala ni Allah pagkatapos niya”. At sa ganito ay hinahayaan ni Allah na maligaw ang isang tampalasan at isang lagi nang may pag-aalinlangan (sa mensahe at Kaisahan ni Allah)

Choose other languages: