Quran Apps in many lanuages:

Surah Ghafir Ayahs #16 Translated in Filipino

ذَٰلِكُمْ بِأَنَّهُ إِذَا دُعِيَ اللَّهُ وَحْدَهُ كَفَرْتُمْ ۖ وَإِنْ يُشْرَكْ بِهِ تُؤْمِنُوا ۚ فَالْحُكْمُ لِلَّهِ الْعَلِيِّ الْكَبِيرِ
(At dito ay ipagbabadya): “Ito’y sa dahilan na noong si Allah lamang ang tinatawagan (upang sambahin), kayo ay nagtatakwil sa pananampalataya, datapuwa’t kung ang iba pang diyus-diyosan ay itambal sa Kanya, kayo ay nagsisisampalataya! Ang pag-uutos ay na kay Allah, ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila!”
هُوَ الَّذِي يُرِيكُمْ آيَاتِهِ وَيُنَزِّلُ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ رِزْقًا ۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَنْ يُنِيبُ
Siya (Allah) ang nagpamalas sa inyo ng Kanyang Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nagparating sa inyo ng inyong ikabubuhay mula sa kalangitan; datapuwa’t sila lamang na tumatanggap ng paala-ala ang nagbabalik loob (kay Allah)
فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ
Kaya’t tawagan mo (o Muhammad at kayo na mga sumasampalataya) si Allah ng may matimtimang debosyon sa Kanya kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay mapoot dito
رَفِيعُ الدَّرَجَاتِ ذُو الْعَرْشِ يُلْقِي الرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ لِيُنْذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِ
Siya ay Mataas sa Kanyang mga Katangian. Siya ang Panginoon ng Luklukan. Sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos ay Kanyang isinusugo ang Kanyang inspirasyon (patnubay) sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, upang (Kanyang) mabigyang babala (ang mga tao) sa araw ng pakikipagtipan (Araw ng Muling Pagkabuhay)
يَوْمَ هُمْ بَارِزُونَ ۖ لَا يَخْفَىٰ عَلَى اللَّهِ مِنْهُمْ شَيْءٌ ۚ لِمَنِ الْمُلْكُ الْيَوْمَ ۖ لِلَّهِ الْوَاحِدِ الْقَهَّارِ
Ang Araw na silang (lahat) ay magsisitambad. walang anumang bagay ang nakalingid kay Allah. Kanino pa kaya ang kaharian sa araw na yaon? Ito ay kay Allah, ang Nag- iisa, ang hindi mapapangibabawan

Choose other languages: