Surah Ghafir Ayahs #15 Translated in Filipino
قَالُوا رَبَّنَا أَمَتَّنَا اثْنَتَيْنِ وَأَحْيَيْتَنَا اثْنَتَيْنِ فَاعْتَرَفْنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلْ إِلَىٰ خُرُوجٍ مِنْ سَبِيلٍ
Sila ay mangungusap: “Aming Panginoon! dalawang ulit na kami ay Inyong ginawa na mamatay (alalaong baga, kami ay patay mula sa laman ng aming ama at naging patay pagkatapos na pumanaw sa mundong ito) at kami ay dalawang ulit na ginawa Ninyo na mabuhay (alalaong baga, ang mabuhay ng kami ay ipinanganak at mabuhay muli sa araw ng pagbangon)! Ngayon ay aming nakilala ang aming mga kasalanan, mayroon baga kayang paraan na kami ay makawala rito?”
ذَٰلِكُمْ بِأَنَّهُ إِذَا دُعِيَ اللَّهُ وَحْدَهُ كَفَرْتُمْ ۖ وَإِنْ يُشْرَكْ بِهِ تُؤْمِنُوا ۚ فَالْحُكْمُ لِلَّهِ الْعَلِيِّ الْكَبِيرِ
(At dito ay ipagbabadya): “Ito’y sa dahilan na noong si Allah lamang ang tinatawagan (upang sambahin), kayo ay nagtatakwil sa pananampalataya, datapuwa’t kung ang iba pang diyus-diyosan ay itambal sa Kanya, kayo ay nagsisisampalataya! Ang pag-uutos ay na kay Allah, ang Kataas-taasan, ang Pinakadakila!”
هُوَ الَّذِي يُرِيكُمْ آيَاتِهِ وَيُنَزِّلُ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ رِزْقًا ۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَنْ يُنِيبُ
Siya (Allah) ang nagpamalas sa inyo ng Kanyang Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at nagparating sa inyo ng inyong ikabubuhay mula sa kalangitan; datapuwa’t sila lamang na tumatanggap ng paala-ala ang nagbabalik loob (kay Allah)
فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ
Kaya’t tawagan mo (o Muhammad at kayo na mga sumasampalataya) si Allah ng may matimtimang debosyon sa Kanya kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay mapoot dito
رَفِيعُ الدَّرَجَاتِ ذُو الْعَرْشِ يُلْقِي الرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ لِيُنْذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِ
Siya ay Mataas sa Kanyang mga Katangian. Siya ang Panginoon ng Luklukan. Sa pamamagitan ng Kanyang pag-uutos ay Kanyang isinusugo ang Kanyang inspirasyon (patnubay) sa sinuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan, upang (Kanyang) mabigyang babala (ang mga tao) sa araw ng pakikipagtipan (Araw ng Muling Pagkabuhay)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
