Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zamar Ayahs #37 Translated in Filipino

وَالَّذِي جَاءَ بِالصِّدْقِ وَصَدَّقَ بِهِ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُتَّقُونَ
At siya (Muhammad), nanagdalang Katotohanan(ng Qur’an, Islam at Kaisahan ni Allah) at (sila) na nagpapatotoo dito (mga tunay na sumasampalataya sa Islam at Kaisahan ni Allah), sila ang mga tao na Muttaqun (mga banal, matimtimang tao na gumagawa ng katuwiran at kabutihan)
لَهُمْ مَا يَشَاءُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ جَزَاءُ الْمُحْسِنِينَ
Sasakanila ang lahat ng kanilang naisin sa kanilang Panginoon; ito ang gantimpala ng Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan tungo sa Kapakanan ni Allah at ayon sa Sunna [pamamaraan at pagtuturo] ni Propeta Muhammad
لِيُكَفِّرَ اللَّهُ عَنْهُمْ أَسْوَأَ الَّذِي عَمِلُوا وَيَجْزِيَهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ
Upang si Allah ay magpatawad sa kanila sa kasamaan na kanilang ginawa at upang mabigyan sila ng gantimpala ayon sa pinakamainam na kanilang nagawa
أَلَيْسَ اللَّهُ بِكَافٍ عَبْدَهُ ۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِالَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Hindi baga si Allah ay Sapat na para sa Kanyang tagapaglingkod? Datapuwa’t sila ay nagtangka na takutin kayo sa pamamagitan ng (mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba) maliban pa sa Kanya! At sinumang pabayaan ni Allah na maligaw, sa kanya ay walang makakapamatnubay
وَمَنْ يَهْدِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُضِلٍّ ۗ أَلَيْسَ اللَّهُ بِعَزِيزٍ ذِي انْتِقَامٍ
At sinumang patnubayan ni Allah, walang sinuman ang makapagliligaw sa kanya. Hindi baga si Allah ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Panginoon ng Kagantihan (sa kasamaan o kabutihan)

Choose other languages: