Surah Az-Zamar Ayahs #36 Translated in Filipino
فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَذَبَ عَلَى اللَّهِ وَكَذَّبَ بِالصِّدْقِ إِذْ جَاءَهُ ۚ أَلَيْسَ فِي جَهَنَّمَ مَثْوًى لِلْكَافِرِينَ
Kung gayon, sino pa kaya ang higit na gumagawa ng kamalian maliban sa kanya na umuusal ng kasinungalingan laban kay Allah, at nagtatakwil sa Katotohanan (sa Qur’an, kay Propeta Muhammad, sa Islam, sa Muling Pagkabuhay, sa gantimpala o kaparusahan ng mabubuti at masasamang gawa) kung ito ay dumatal sa kanya! wala kaya sa Impiyerno ang tirahan ng mga walang pananampalataya
وَالَّذِي جَاءَ بِالصِّدْقِ وَصَدَّقَ بِهِ ۙ أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُتَّقُونَ
At siya (Muhammad), nanagdalang Katotohanan(ng Qur’an, Islam at Kaisahan ni Allah) at (sila) na nagpapatotoo dito (mga tunay na sumasampalataya sa Islam at Kaisahan ni Allah), sila ang mga tao na Muttaqun (mga banal, matimtimang tao na gumagawa ng katuwiran at kabutihan)
لَهُمْ مَا يَشَاءُونَ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۚ ذَٰلِكَ جَزَاءُ الْمُحْسِنِينَ
Sasakanila ang lahat ng kanilang naisin sa kanilang Panginoon; ito ang gantimpala ng Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan tungo sa Kapakanan ni Allah at ayon sa Sunna [pamamaraan at pagtuturo] ni Propeta Muhammad
لِيُكَفِّرَ اللَّهُ عَنْهُمْ أَسْوَأَ الَّذِي عَمِلُوا وَيَجْزِيَهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ الَّذِي كَانُوا يَعْمَلُونَ
Upang si Allah ay magpatawad sa kanila sa kasamaan na kanilang ginawa at upang mabigyan sila ng gantimpala ayon sa pinakamainam na kanilang nagawa
أَلَيْسَ اللَّهُ بِكَافٍ عَبْدَهُ ۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِالَّذِينَ مِنْ دُونِهِ ۚ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Hindi baga si Allah ay Sapat na para sa Kanyang tagapaglingkod? Datapuwa’t sila ay nagtangka na takutin kayo sa pamamagitan ng (mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba) maliban pa sa Kanya! At sinumang pabayaan ni Allah na maligaw, sa kanya ay walang makakapamatnubay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
