Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayah #74 Translated in Filipino

يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ مَا قَالُوا وَلَقَدْ قَالُوا كَلِمَةَ الْكُفْرِ وَكَفَرُوا بَعْدَ إِسْلَامِهِمْ وَهَمُّوا بِمَا لَمْ يَنَالُوا ۚ وَمَا نَقَمُوا إِلَّا أَنْ أَغْنَاهُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ مِنْ فَضْلِهِ ۚ فَإِنْ يَتُوبُوا يَكُ خَيْرًا لَهُمْ ۖ وَإِنْ يَتَوَلَّوْا يُعَذِّبْهُمُ اللَّهُ عَذَابًا أَلِيمًا فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۚ وَمَا لَهُمْ فِي الْأَرْضِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah na sila ay hindi nagsabi ng anuman (na masama), datapuwa’t katotohanang sila ay nagsabi ng salita ng kawalan ng pananalig, at sila ay (muling nagbalik) sa kawalan ng pananampalataya matapos na tanggapin ang Islam, at sila ay nagpasya (sa pakana na patayin si Propeta Muhammad) na hindi nila naisakatuparan, at sila ay hindi makahanap ng anumang dahilan upang gawin yaon, maliban na si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay payamanin sila mula sa Kanyang Kasaganaan. Kung sila ay magtika, ito ay higit na mainam para sa kanila, datapuwa’t kung sila ay magsitalikod, si Allah ay magpaparusa sa kanila ng kasakit-sakit na kaparusahan sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. At walang sinuman para sa kanila sa mundong ito ang kanilang magiging wali (tagapagtaguyod, tagapangalaga, o katulong)

Choose other languages: