Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #63 Translated in Filipino

وَلَوْ أَنَّهُمْ رَضُوا مَا آتَاهُمُ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَقَالُوا حَسْبُنَا اللَّهُ سَيُؤْتِينَا اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ وَرَسُولُهُ إِنَّا إِلَى اللَّهِ رَاغِبُونَ
Hindi baga sila nakadarama ng kasiyahan sa mga bagay na ipinagkaloob ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita sa kanila, at sila ay mangusap: “ Si Allah ay Sapat na sa amin. Si Allah ay magkakaloob sa amin ng Kanyang Kasaganaan, gayundin ang Kanyang Tagapagbalita (ng mga limos o tulong, atbp.). Kami ay nananawagan kay Allah (na Kanyang pasaganain kami).”
إِنَّمَا الصَّدَقَاتُ لِلْفُقَرَاءِ وَالْمَسَاكِينِ وَالْعَامِلِينَ عَلَيْهَا وَالْمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمْ وَفِي الرِّقَابِ وَالْغَارِمِينَ وَفِي سَبِيلِ اللَّهِ وَابْنِ السَّبِيلِ ۖ فَرِيضَةً مِنَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Ang As-Sadaqah (dito, ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, alalaong baga, ang Zakah), ay para lamang sa Fuqara (sa mga mahihirap na hindi nagpapalimos), at sa Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), at sa mga nagtatrabaho upang mangalap (ng pondo); at silang (mga tao) na ang kanilang puso ay nahihilig (tungo sa Islam, nakakakita ng liwanag ng katotohanan ng pananampalataya); at sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin); at sa mga may pagkakautang; at para sa Kapakanan ni Allah (alalaong baga, para sa Mujahidun, sila na nakikipaglaban sa banal na digmaan dahilan sa kanilang pagmamahal sa Kanya), at sa mga naglalakbay (na napalayo at walang ibang mahihingan ng tulong); isang katungkulan na itinalaga ni Allah. At si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan
وَمِنْهُمُ الَّذِينَ يُؤْذُونَ النَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٌ ۚ قُلْ أُذُنُ خَيْرٍ لَكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَيُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِينَ وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ ۚ وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ رَسُولَ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At sa lipon nila ay may mga tao na nananakit sa Propeta (Muhammad) at nagsasabi: “Siya ay nakikinig (sa lahat ng mga balita).” Ipagbadya: “Siya ay nakikinig kung ano ang mabuti sa inyo; siya ay sumasampalataya kay Allah; mayroon siyang pananalig sa mga sumasampalataya; at isang Habag tungo sa inyo na sumasampalataya.” Ngunit sila na nananakit sa Tagapagbalita (Muhammad) ay magkakaroon ng kasakit-sakit na kaparusahan
يَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ لِيُرْضُوكُمْ وَاللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَقُّ أَنْ يُرْضُوهُ إِنْ كَانُوا مُؤْمِنِينَ
Sila ay nanunumpa (sa Ngalan) ni Allah sa inyo (na mga Muslim), upang kayo ay malugod (sa kanila), datapuwa’t higit na katampatan na kanilang bigyang lugod si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), kung sila ay nananampalataya
أَلَمْ يَعْلَمُوا أَنَّهُ مَنْ يُحَادِدِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَأَنَّ لَهُ نَارَ جَهَنَّمَ خَالِدًا فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ الْخِزْيُ الْعَظِيمُ
Hindi baga nila natatalos na kung sinuman ang tumutol at magpakita ng pagkapoot kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katiyakang sasakanya ang Apoy ng Impiyerno upang (siya) ay manahan dito. Ito ang sukdulang pagkaaba

Choose other languages: