Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #51 Translated in Filipino

لَوْ خَرَجُوا فِيكُمْ مَا زَادُوكُمْ إِلَّا خَبَالًا وَلَأَوْضَعُوا خِلَالَكُمْ يَبْغُونَكُمُ الْفِتْنَةَ وَفِيكُمْ سَمَّاعُونَ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ
At kung sila (man) ay nagsihayo (patungo sa labanan) na kasama ninyo, sila ay walang maidadagdag sa inyo liban lamang sa kaguluhan, at sila ay nagsisipagmadali sa gitna ninyo (sa pagkakalat ng kabuktutan), at nagtatanim ng panunulsol laban sa isa’t isa sa inyo, at mayroon sa inyong lipon ang mangyayaring makinig sa kanila. At si Allah ang Ganap na Nakakaalam sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buktot, atbp)
لَقَدِ ابْتَغَوُا الْفِتْنَةَ مِنْ قَبْلُ وَقَلَّبُوا لَكَ الْأُمُورَ حَتَّىٰ جَاءَ الْحَقُّ وَظَهَرَ أَمْرُ اللَّهِ وَهُمْ كَارِهُونَ
Katotohanang sila ay nagbalak ng panunulsol (laban sa isa’t isa) noon pa man, at nagpalala ng mga pangyayari para sa inyo, - hanggang ang Katotohanan (tagumpay) ay dumatal at ang Kautusan ni Allah (ang Kanyang relihiyon, ang Islam) ay naging maliwanag sa kanila kahima’t ito ay kanilang kinasusuklaman
وَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ ائْذَنْ لِي وَلَا تَفْتِنِّي ۚ أَلَا فِي الْفِتْنَةِ سَقَطُوا ۗ وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمُحِيطَةٌ بِالْكَافِرِينَ
At sa lipon nila ay mayroong nagsasabi: “Ako ay bigyan mo ng palugit (na huwag mapabilang sa Jihad [banal na pakikipaglaban para kay Allah]), at ako ay huwag mong ilagay sa pagsubok.” Katotohanang sila ay nahulog sa pagsubok.At katotohanang Impiyerno ang papaligid sa mga hindi sumasampalataya
إِنْ تُصِبْكَ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ ۖ وَإِنْ تُصِبْكَ مُصِيبَةٌ يَقُولُوا قَدْ أَخَذْنَا أَمْرَنَا مِنْ قَبْلُ وَيَتَوَلَّوْا وَهُمْ فَرِحُونَ
Kung ang magandang bagay ay dumatal sa iyo (o Muhammad), ito ay nakakapagpalumbay sa kanila, datapuwa’t kung kapinsalaan ang sumapit sa iyo, sila ay nagsasabi: “Kami ay gumawa rito noon pa man ng pag-iingat,” at sila ay tumatalikod na nagsasaya
قُلْ لَنْ يُصِيبَنَا إِلَّا مَا كَتَبَ اللَّهُ لَنَا هُوَ مَوْلَانَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Ipagbadya: “walang anuman ang mangyayari sa amin maliban lamang sa itinalaga sa amin ni Allah. Siya ang aming Maula (Panginoon, Kawaksi at Tagapangalaga).” At kay Allah, hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala

Choose other languages: