Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #54 Translated in Filipino

إِنْ تُصِبْكَ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ ۖ وَإِنْ تُصِبْكَ مُصِيبَةٌ يَقُولُوا قَدْ أَخَذْنَا أَمْرَنَا مِنْ قَبْلُ وَيَتَوَلَّوْا وَهُمْ فَرِحُونَ
Kung ang magandang bagay ay dumatal sa iyo (o Muhammad), ito ay nakakapagpalumbay sa kanila, datapuwa’t kung kapinsalaan ang sumapit sa iyo, sila ay nagsasabi: “Kami ay gumawa rito noon pa man ng pag-iingat,” at sila ay tumatalikod na nagsasaya
قُلْ لَنْ يُصِيبَنَا إِلَّا مَا كَتَبَ اللَّهُ لَنَا هُوَ مَوْلَانَا ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Ipagbadya: “walang anuman ang mangyayari sa amin maliban lamang sa itinalaga sa amin ni Allah. Siya ang aming Maula (Panginoon, Kawaksi at Tagapangalaga).” At kay Allah, hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala
قُلْ هَلْ تَرَبَّصُونَ بِنَا إِلَّا إِحْدَى الْحُسْنَيَيْنِ ۖ وَنَحْنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمْ أَنْ يُصِيبَكُمُ اللَّهُ بِعَذَابٍ مِنْ عِنْدِهِ أَوْ بِأَيْدِينَا ۖ فَتَرَبَّصُوا إِنَّا مَعَكُمْ مُتَرَبِّصُونَ
Ipagbadya: “Kayo ba ay naghihintay sa amin (sa anumang bagay) maliban sa isa sa dalawang pinakamainam na bagay (ang pagiging martir o tagumpay); habang kami ay naghihintay sa inyo, na si Allah ay maggagawad sa inyo ng kaparusahan mula sa Kanyang Sarili o (ng kaparusahan) mula sa aming mga kamay. Kaya’t magsipag-antabay kayo, kami ay nag-aantabay sa inyo.”
قُلْ أَنْفِقُوا طَوْعًا أَوْ كَرْهًا لَنْ يُتَقَبَّلَ مِنْكُمْ ۖ إِنَّكُمْ كُنْتُمْ قَوْمًا فَاسِقِينَ
Ipagbadya: “Gumugol man kayo (sa Kapakanan ni Allah) ng may pagkukusa o ng walang pagkukusa, ito ay hindi tatanggapin mula sa inyo. Katotohanang kayo ay mga tao na lagi nang Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway kay Allah).”
وَمَا مَنَعَهُمْ أَنْ تُقْبَلَ مِنْهُمْ نَفَقَاتُهُمْ إِلَّا أَنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَبِرَسُولِهِ وَلَا يَأْتُونَ الصَّلَاةَ إِلَّا وَهُمْ كُسَالَىٰ وَلَا يُنْفِقُونَ إِلَّا وَهُمْ كَارِهُونَ
At wala ng iba pa ang humahadlang sa kanilang tulong na maging katanggap-tanggap mula sa kanila, maliban sa sila ay hindi sumasampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad); at sila ay hindi pumaparoon sa pagdarasal maliban sa kalagayan ng pagiging tamad; at sila ay hindi nagbibigay ng kanilang tulong maliban na may pagtutol sa kalooban

Choose other languages: