Surah At-Tawba Ayahs #25 Translated in Filipino
يُبَشِّرُهُمْ رَبُّهُمْ بِرَحْمَةٍ مِنْهُ وَرِضْوَانٍ وَجَنَّاتٍ لَهُمْ فِيهَا نَعِيمٌ مُقِيمٌ
Ang kanilang Panginoon ay nagbibigay sa kanila ng masayang balita ng isang Habag mula sa Kanya, at Siya ay nalulugod (sa kanila), at sasakanila ang Halamanan (Paraiso) na naririto ang walang hanggang ligaya
خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ
Magsisipanirahan sila rito magpakailanman. Katotohanan, na kay Allah ang malaking gantimpala
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا آبَاءَكُمْ وَإِخْوَانَكُمْ أَوْلِيَاءَ إِنِ اسْتَحَبُّوا الْكُفْرَ عَلَى الْإِيمَانِ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong tangkilikin bilang Auliya (tagapagtaguyod at kawaksi) ang inyong ama at inyong mga kapatid (na lalaki) kung kanilang higit na pinahahalagahan ang kawalan ng pananalig kaysa sa pananampalataya. At sinuman sa inyo ang gumawa nito, kung gayon, siya ay isa sa Zalimun (mapaggawa ng kamalian, buktot, buhong, atbp)
قُلْ إِنْ كَانَ آبَاؤُكُمْ وَأَبْنَاؤُكُمْ وَإِخْوَانُكُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ وَعَشِيرَتُكُمْ وَأَمْوَالٌ اقْتَرَفْتُمُوهَا وَتِجَارَةٌ تَخْشَوْنَ كَسَادَهَا وَمَسَاكِنُ تَرْضَوْنَهَا أَحَبَّ إِلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ وَجِهَادٍ فِي سَبِيلِهِ فَتَرَبَّصُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ
Ipagbadya: “Kung ang inyong ama, ang inyong mga anak (na lalaki), ang inyong mga kapatid (na lalaki), ang inyong mga asawang (babae), ang inyong mga kamag-anak; ang kayamanan na inyong kinita; sa mga kalakal na pinangangambahan ninyo ang pagkalugi; at sa mga tahanan na labis ninyong kinagigiliwan ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, o ang pagsisikap na mahusay at pakikipaglaban sa Kanyang Kapakanan; kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibaba ni Allah ang Kanyang Kapasyahan (pagpaparusa). At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway kay Allah)
لَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٍ ۙ وَيَوْمَ حُنَيْنٍ ۙ إِذْ أَعْجَبَتْكُمْ كَثْرَتُكُمْ فَلَمْ تُغْنِ عَنْكُمْ شَيْئًا وَضَاقَتْ عَلَيْكُمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ ثُمَّ وَلَّيْتُمْ مُدْبِرِينَ
Katotohanan, si Allah ay naggawad sa inyo ng tagumpay sa maraming labanan, at sa Araw ng Hunain (labanan), nang kayo ay nagbubunyi sa marami ninyong bilang, datapuwa’t kayo ay walang napakinabang na anuman, at ang kalupaan, na tunay namang malawak, ay ginawang patag at tuwid sa inyo, ngunit kayo ay nagsiurong na tumatalilis
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
