Surah At-Tawba Ayahs #28 Translated in Filipino
قُلْ إِنْ كَانَ آبَاؤُكُمْ وَأَبْنَاؤُكُمْ وَإِخْوَانُكُمْ وَأَزْوَاجُكُمْ وَعَشِيرَتُكُمْ وَأَمْوَالٌ اقْتَرَفْتُمُوهَا وَتِجَارَةٌ تَخْشَوْنَ كَسَادَهَا وَمَسَاكِنُ تَرْضَوْنَهَا أَحَبَّ إِلَيْكُمْ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ وَجِهَادٍ فِي سَبِيلِهِ فَتَرَبَّصُوا حَتَّىٰ يَأْتِيَ اللَّهُ بِأَمْرِهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْفَاسِقِينَ
Ipagbadya: “Kung ang inyong ama, ang inyong mga anak (na lalaki), ang inyong mga kapatid (na lalaki), ang inyong mga asawang (babae), ang inyong mga kamag-anak; ang kayamanan na inyong kinita; sa mga kalakal na pinangangambahan ninyo ang pagkalugi; at sa mga tahanan na labis ninyong kinagigiliwan ay higit na mahalaga sa inyo kaysa kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, o ang pagsisikap na mahusay at pakikipaglaban sa Kanyang Kapakanan; kung gayon, kayo ay maghintay hanggang sa ibaba ni Allah ang Kanyang Kapasyahan (pagpaparusa). At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik, palasuway kay Allah)
لَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ فِي مَوَاطِنَ كَثِيرَةٍ ۙ وَيَوْمَ حُنَيْنٍ ۙ إِذْ أَعْجَبَتْكُمْ كَثْرَتُكُمْ فَلَمْ تُغْنِ عَنْكُمْ شَيْئًا وَضَاقَتْ عَلَيْكُمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ ثُمَّ وَلَّيْتُمْ مُدْبِرِينَ
Katotohanan, si Allah ay naggawad sa inyo ng tagumpay sa maraming labanan, at sa Araw ng Hunain (labanan), nang kayo ay nagbubunyi sa marami ninyong bilang, datapuwa’t kayo ay walang napakinabang na anuman, at ang kalupaan, na tunay namang malawak, ay ginawang patag at tuwid sa inyo, ngunit kayo ay nagsiurong na tumatalilis
ثُمَّ أَنْزَلَ اللَّهُ سَكِينَتَهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ وَعَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَأَنْزَلَ جُنُودًا لَمْ تَرَوْهَا وَعَذَّبَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ وَذَٰلِكَ جَزَاءُ الْكَافِرِينَ
Ngunit (hindi naglaon), ay ipinanaog ni Allah ang Kanyang Sakinah (kahinahunan, kapayapaan, kasiguruhan, atbp.) sa (Kanyang) Tagapagbalita (Muhammad) at sa mga sumasampalataya, at nagpapanaog Siya ng puwersa (mga anghel) na hindi ninyo nakikita, at pinarusahan nila ang mga hindi sumasampalataya. Ito ang kabayaran ng mga hindi sumasampalataya
ثُمَّ يَتُوبُ اللَّهُ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At pagkaraan nito, si Allah ay tatanggap ng pagtitika sa sinuman na Kanyang mapusuan. AtsiAllahay Laginang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَٰذَا ۚ وَإِنْ خِفْتُمْ عَيْلَةً فَسَوْفَ يُغْنِيكُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ إِنْ شَاءَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad)! Katotohanan, ang Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, at sa Pahayag ni Muhammad) ay Najasun (hindi dalisay)! Kaya’t huwag silang hayaan na makalapit sa Al-Masjid-Al-Haram (Tahanan ni Allah sa Makkah), matapos ang taong ito, at kung kayo ay nangangamba sa kahirapan, si Allah ang magbibigay yaman sa inyo kung Kanyang naisin, mula sa Kanyang Kasaganaan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
