Surah At-Tawba Ayahs #22 Translated in Filipino
إِنَّمَا يَعْمُرُ مَسَاجِدَ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَقَامَ الصَّلَاةَ وَآتَى الزَّكَاةَ وَلَمْ يَخْشَ إِلَّا اللَّهَ ۖ فَعَسَىٰ أُولَٰئِكَ أَنْ يَكُونُوا مِنَ الْمُهْتَدِينَ
Ang mga Moske (Tahanan) ni Allah ay pangangasiwaan lamang ng mga sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw; na nagsisipag-alay ng dasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at nagbibigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at walang pinangangambahan maliban lamang kay Allah. Sila ang mga inaasahan na nasa tunay na patnubay
أَجَعَلْتُمْ سِقَايَةَ الْحَاجِّ وَعِمَارَةَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ كَمَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَجَاهَدَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۚ لَا يَسْتَوُونَ عِنْدَ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Napag-aakala ba ninyo na ang pagbibigay ng tubig na maiinom sa mga nagpipilgrimahe (nagpeperignasyon) at nangangasiwa sa Al-Masjid-Al- Haram (Tahanan niAllah sa Makkah), ay katumbas sa halaga ng mga sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at nagsisikap na mabuti at nakikipaglaban sa Kapakanan ni Allah? Sila ay hindi magkatulad sa Paningin ni Allah. At si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buktot, tampalasan, atbp)
الَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ أَعْظَمُ دَرَجَةً عِنْدَ اللَّهِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَائِزُونَ
Sila na sumasampalataya, at nagsilikas, at nagsikap na mabuti at nakipaglaban sa Kapakanan ni Allah na kasama ang kanilang kayamanan at buhay ay higit na mataas sa antas sa Paningin ni Allah. Sila nga ang matatagumpay
يُبَشِّرُهُمْ رَبُّهُمْ بِرَحْمَةٍ مِنْهُ وَرِضْوَانٍ وَجَنَّاتٍ لَهُمْ فِيهَا نَعِيمٌ مُقِيمٌ
Ang kanilang Panginoon ay nagbibigay sa kanila ng masayang balita ng isang Habag mula sa Kanya, at Siya ay nalulugod (sa kanila), at sasakanila ang Halamanan (Paraiso) na naririto ang walang hanggang ligaya
خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ أَجْرٌ عَظِيمٌ
Magsisipanirahan sila rito magpakailanman. Katotohanan, na kay Allah ang malaking gantimpala
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
