Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #15 Translated in Filipino

فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ ۗ وَنُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Datapuwa’t kung sila ay magsisi at mag-alay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat) at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), kung gayon, sila ay inyong mga kapatid sa pananampalataya. (Sa gayong paraan) ay Aming ipinapaliwanag ang Ayat (mga katibayan, talata, aral, tanda, kapahayagan, atbp.) nang masusi sa mga tao na nakakaalam
وَإِنْ نَكَثُوا أَيْمَانَهُمْ مِنْ بَعْدِ عَهْدِهِمْ وَطَعَنُوا فِي دِينِكُمْ فَقَاتِلُوا أَئِمَّةَ الْكُفْرِ ۙ إِنَّهُمْ لَا أَيْمَانَ لَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَنْتَهُونَ
Datapuwa’t kung sila ay sumira sa kanilang mga pangako (sumpa) matapos ang kasunduan, at tuligsain ang inyong pananampalataya ng may pag-ayaw at pamimintas, kung gayon, inyong labanan ang mga pinuno na walang pananalig (mga pinuno ng Quraish, mga pagano ng Makkah) – sapagkat katiyakan, ang kanilang pangako (sumpa) ay walang halaga sa kanila, – upang sila ay tumigil (sa masasamang gawa)
أَلَا تُقَاتِلُونَ قَوْمًا نَكَثُوا أَيْمَانَهُمْ وَهَمُّوا بِإِخْرَاجِ الرَّسُولِ وَهُمْ بَدَءُوكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ ۚ أَتَخْشَوْنَهُمْ ۚ فَاللَّهُ أَحَقُّ أَنْ تَخْشَوْهُ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Hindi baga ninyo lalabanan ang mga tao na sumira sa kanilang pangako (mga pagano ng Makkah) at naghahangad na ipatapon ang Tagapagbalita, samantalang una silang sumalakay sa inyo? Natatakot ba kayo sa kanila? Si Allah ay may higit na karapatan na Siya ay inyong pangambahan, kung kayo ay nananampalataya
قَاتِلُوهُمْ يُعَذِّبْهُمُ اللَّهُ بِأَيْدِيكُمْ وَيُخْزِهِمْ وَيَنْصُرْكُمْ عَلَيْهِمْ وَيَشْفِ صُدُورَ قَوْمٍ مُؤْمِنِينَ
Makipaglaban kayo sa kanila, upang si Allah ay magparusa sa kanila sa pamamagitan ng inyong mga kamay, at pawalang dangal sila, at kayo ay gawaran (Niya) ng tagumpay laban sa kanila, at upang pagalingin ang dibdib ng mga tao na sumasampalataya
وَيُذْهِبْ غَيْظَ قُلُوبِهِمْ ۗ وَيَتُوبُ اللَّهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At upang mapawi ang pagkagalit (ng mga sumasampalataya) sa kanilang puso. Si Allah ay tumatanggap sa pagsisisi ng sinumang Kanyang naisin. Si Allah ay Puspos ng Kaalaman, ang Tigib ng Karunungan

Choose other languages: