Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #117 Translated in Filipino

مَا كَانَ لِلنَّبِيِّ وَالَّذِينَ آمَنُوا أَنْ يَسْتَغْفِرُوا لِلْمُشْرِكِينَ وَلَوْ كَانُوا أُولِي قُرْبَىٰ مِنْ بَعْدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمْ أَنَّهُمْ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Hindi isang katampatan sa Propeta at sa mga sumasampalataya na manawagan kay Allah tungo sa Kanyang kapatawaran para sa Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.), kahima’t sila ay inyong kamag-anak, matapos na maging maliwanag sa kanila na sila ang magsisipanahan sa Apoy (sapagkat sila ay namatay sa kalagayan ng kawalan ng panananampalataya)
وَمَا كَانَ اسْتِغْفَارُ إِبْرَاهِيمَ لِأَبِيهِ إِلَّا عَنْ مَوْعِدَةٍ وَعَدَهَا إِيَّاهُ فَلَمَّا تَبَيَّنَ لَهُ أَنَّهُ عَدُوٌّ لِلَّهِ تَبَرَّأَ مِنْهُ ۚ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ لَأَوَّاهٌ حَلِيمٌ
At ang paninikluhod ni Abraham (kay Allah) para sa kapatawaran ng kanyang ama ay dahilan lamang sa isang pangako na kanyang (Abraham) ginawa para sa kanya (ama). Datapuwa’t nang ito ay maging maliwanag sa kanya (Abraham), na siya (kanyang ama) ay isang kaaway ni Allah, ay inihiwalay niya ang kanyang sarili sa kanya. Katotohanang si Abraham ay Al-Awwah (naninikluhod kay Allah ng may kapakumbabaan, nagpupuri sa Kanya at nag- aala-ala sa Kanya nang labis), at mapagbata
وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُضِلَّ قَوْمًا بَعْدَ إِذْ هَدَاهُمْ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُمْ مَا يَتَّقُونَ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
At si Allah ay hindi kailanman mag-aakay sa mga tao na mapaligaw, matapos na Kanyang magabayan sila hanggang sa magawa Niya na maging maliwanag sa kanila kung ano ang kanilang nararapat na iwasan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Maalam sa lahat ng bagay
إِنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۚ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Katotohanan, si Allah! Sa Kanya ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan, Siya ang nagbibigay ng buhay, at Siya ang naggagawad ng kamatayan. At maliban pa kay Allah, kayo ay wala ng anumang wali (tagapangalaga o tagapagbantay), gayundin naman ng kawaksi
لَقَدْ تَابَ اللَّهُ عَلَى النَّبِيِّ وَالْمُهَاجِرِينَ وَالْأَنْصَارِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ الْعُسْرَةِ مِنْ بَعْدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٍ مِنْهُمْ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّهُ بِهِمْ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
Si Allah ay nagpatawad sa Propeta, sa Muhajirun (mga Muslim na nagsilikas at nag-iwan sa kanilang mga tahanan at naparoon sa Al-Madina), at sa Ansar (mga Muslim ng Al- Madina), na sumunod sa kanya (Muhammad) sa panahon ng kagipitan, matapos na ang puso ng isang pangkat sa kanila ay halos lumihis na (sa tuwid na landas), datapuwa’t tinanggap Niya ang kanilang pagtitika. Katiyakang Siya sa kanila ay Puspos ng Kabaitan, ang Pinakamaawain

Choose other languages: