Surah At-Tawba Ayahs #119 Translated in Filipino
وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُضِلَّ قَوْمًا بَعْدَ إِذْ هَدَاهُمْ حَتَّىٰ يُبَيِّنَ لَهُمْ مَا يَتَّقُونَ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
At si Allah ay hindi kailanman mag-aakay sa mga tao na mapaligaw, matapos na Kanyang magabayan sila hanggang sa magawa Niya na maging maliwanag sa kanila kung ano ang kanilang nararapat na iwasan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Maalam sa lahat ng bagay
إِنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۚ وَمَا لَكُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Katotohanan, si Allah! Sa Kanya ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan, Siya ang nagbibigay ng buhay, at Siya ang naggagawad ng kamatayan. At maliban pa kay Allah, kayo ay wala ng anumang wali (tagapangalaga o tagapagbantay), gayundin naman ng kawaksi
لَقَدْ تَابَ اللَّهُ عَلَى النَّبِيِّ وَالْمُهَاجِرِينَ وَالْأَنْصَارِ الَّذِينَ اتَّبَعُوهُ فِي سَاعَةِ الْعُسْرَةِ مِنْ بَعْدِ مَا كَادَ يَزِيغُ قُلُوبُ فَرِيقٍ مِنْهُمْ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّهُ بِهِمْ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
Si Allah ay nagpatawad sa Propeta, sa Muhajirun (mga Muslim na nagsilikas at nag-iwan sa kanilang mga tahanan at naparoon sa Al-Madina), at sa Ansar (mga Muslim ng Al- Madina), na sumunod sa kanya (Muhammad) sa panahon ng kagipitan, matapos na ang puso ng isang pangkat sa kanila ay halos lumihis na (sa tuwid na landas), datapuwa’t tinanggap Niya ang kanilang pagtitika. Katiyakang Siya sa kanila ay Puspos ng Kabaitan, ang Pinakamaawain
وَعَلَى الثَّلَاثَةِ الَّذِينَ خُلِّفُوا حَتَّىٰ إِذَا ضَاقَتْ عَلَيْهِمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ وَضَاقَتْ عَلَيْهِمْ أَنْفُسُهُمْ وَظَنُّوا أَنْ لَا مَلْجَأَ مِنَ اللَّهِ إِلَّا إِلَيْهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ لِيَتُوبُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
At (Kanya ring pinatawad) yaong tatlo na naiwan (ng Propeta), [alalaong baga, hindi siya (Propeta) nagbigay ng kanyang hatol sa kanilang kaso; ang kanilang kaso ay ipinagpaliban para sa pagpapasya ni Allah], hanggang ang kalupaan ay waring makipot para sa kanila kahit gaano man ito kalawak, at ang kanilang sarili (kaluluwa) ay nakadarama ng pagiging masikip at kanilang napag-akala na sila ay hindi makakatakas kay Allah, at wala ng kaligtasan maliban pa sa Kanya. At hindi naglaon, Kanyang tinanggap ang kanilang pagsisisi upang sila ay magtika (sa Kanya). Katotohanang si Allah ay Siyang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَكُونُوا مَعَ الصَّادِقِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Maging may pagkatakot kay Allah at maging kapiling ng mga matatapat (sa mga salita at gawa)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
