Surah Ar-Rum Ayahs #58 Translated in Filipino
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ ضَعْفٍ ثُمَّ جَعَلَ مِنْ بَعْدِ ضَعْفٍ قُوَّةً ثُمَّ جَعَلَ مِنْ بَعْدِ قُوَّةٍ ضَعْفًا وَشَيْبَةً ۚ يَخْلُقُ مَا يَشَاءُ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْقَدِيرُ
Si Allah ang lumikha sa inyo sa katayuan ng pagiging mahina (murang gulang pa); at nagbigay sa inyo ng lakas (paglaki at ganap na gulang) mula sa pagiging mahina; at pagkaraan ng lakas, (muli) ay ang pagiging mahina at (pagkakaroon) ng maputing buhok. Siya ang lumilikha ng anumang Kanyang naisin, at Siya ang may Ganap na Karunungan at Tigib ng Kapangyarihan (sa lahat ng bagay)
وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يُقْسِمُ الْمُجْرِمُونَ مَا لَبِثُوا غَيْرَ سَاعَةٍ ۚ كَذَٰلِكَ كَانُوا يُؤْفَكُونَ
At sa Araw na ang oras (ng Pagsusulit) ay ititindig, ang Mujrimun (mga nagsilabag sa utos, kriminal, buktot, tampalasan, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp.) ay manunumpa na sila ay nanatili lamang ng isang oras, kaya’t sa ganito sila ay nalinlang sa katotohanan (alalaong baga, sila ay nahirati na sa pagsasabi ng kasinungalingan at bulaang pagsaksi at tumatalikod sa katotohanan sa buhay sa mundong ito)
وَقَالَ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ وَالْإِيمَانَ لَقَدْ لَبِثْتُمْ فِي كِتَابِ اللَّهِ إِلَىٰ يَوْمِ الْبَعْثِ ۖ فَهَٰذَا يَوْمُ الْبَعْثِ وَلَٰكِنَّكُمْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Datapuwa’t yaong nagawaran ng karunungan at pananalig ay magsasabi: “Katotohanang kayo ay nanatili ayon sa Pagtatakda ni Allah hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at ito ang Araw ng Muling Pagkabuhay, datapuwa’t ito ay hindi ninyo nalalaman!”
فَيَوْمَئِذٍ لَا يَنْفَعُ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَعْذِرَتُهُمْ وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ
Kaya’t sa Araw na yaon, walang anumang dahilan (katwiran) ang makakatulong sa mga nagsilabag (sa pamamagitan nang pagtatambal sa pagsamba kay Allah at pagtatatwa sa Araw ng Muling Pagkabuhay), gayundin, sila ay hindi na papayagan na makapagbago (o makabalik sa lupa) upang hanapin ang kaluguran ni Allah (sa pamamagitan ng pagtanggap sa Islam at paggawa ng kabutihan at pagtatakwil sa pagsamba sa mga diyus- diyosan, at sa mga kasalanan ng may pagtitika)
وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ ۚ وَلَئِنْ جِئْتَهُمْ بِآيَةٍ لَيَقُولَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا مُبْطِلُونَ
At katotohanang Aming ipinaunawa nang matiim sa mga tao, sa Qur’an na ito, ang lahat ng uri ng talinghaga; datapuwa’t kung ikaw (O Muhammad) ay magdala sa kanila ng anumang Tanda (bilang isang katibayan ng katotohanan at pagka-propeta), ang mga hindi sumasampalataya ay katiyakang magsasabi (sa mga sumasampalataya): “Ikaw ay walang sinusunod kundi kabulaanan at salamangka.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
