Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rum Ayahs #28 Translated in Filipino

وَمِنْ آيَاتِهِ يُرِيكُمُ الْبَرْقَ خَوْفًا وَطَمَعًا وَيُنَزِّلُ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَيُحْيِي بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang pagpapamalas Niya sa inyo ng kidlat, sa pamamagitan ng pagkatakot at pag-asa, at pinamamalisbis Niya ang tubig (ulan) mula sa alapaap at sa pamamagitan nito, ito ay nagbibigay ng buhay sa kalupaan pagkatapos ng kamatayan (matapos na maging tigang). Katotohanang nasa sa mga ito ang tiyak na mga Tanda sa mga may katalinuhan
وَمِنْ آيَاتِهِ أَنْ تَقُومَ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ بِأَمْرِهِ ۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمْ دَعْوَةً مِنَ الْأَرْضِ إِذَا أَنْتُمْ تَخْرُجُونَ
Ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ito; ang kalangitan at kalupaan ay nananatiling nakatindig sa Kanyang Pag- uutos ; at sa kalaunan, kung kayo ay Kanyang tawagin sa isang pagtawag, pagmalasin, kayo ay magsisilabas sa kalupaan (mula sa inyong libingan tungo sa pagsusulit at kabayaran)
وَلَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ كُلٌّ لَهُ قَانِتُونَ
Sa Kanya ang lahat ng pag-aangkin sa lahat ng anupamang bagay na nasa kalangitan at kalupaan; at ang lahat ay tumatalima sa Kanya
وَهُوَ الَّذِي يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِ ۚ وَلَهُ الْمَثَلُ الْأَعْلَىٰ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Siya ang Tangi na nagpasimula sa paglikha, at magpapanumbalik nito (muling paglikha matapos na ito ay maglaho); at ito ay lubhang magaan sa Kanya. Sa Kanya ang lahat ng pag-aangkin ng lahat ng pinakasukdol na paglalarawan (alalaong baga, wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya, at walang sinuman ang sa Kanya ay maitutulad) sa kalangitan at kalupaan. At Siya ang Sukdol sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
ضَرَبَ لَكُمْ مَثَلًا مِنْ أَنْفُسِكُمْ ۖ هَلْ لَكُمْ مِنْ مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ مِنْ شُرَكَاءَ فِي مَا رَزَقْنَاكُمْ فَأَنْتُمْ فِيهِ سَوَاءٌ تَخَافُونَهُمْ كَخِيفَتِكُمْ أَنْفُسَكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
Inilantad Niya ang isang talinghaga (paghahambing) mula sa inyong sarili. Mayroon ba kayong mga katambal mula sa mga nakamtan ng inyong kanang kamay (alalaong baga, ang inyong mga alipin), upang maging kahati bilang kapantay sa kayamanan na ipinagkaloob Namin sa inyo? Nangangamba ba kayo sa kanila ng katulad ng pangangamba ninyo sa isa’t isa? Samakatuwid, sa gayon Namin ipinapaliwanag ang mga Tanda sa mga tao na may pang-unawa. [Alalaong baga, paano kayo nag-akibat sa Amin ng mga katambal na Aming nilikha, gayong kayo sa inyong sarili ay hindi tatanggap ng mga katambal ninyo mula sa inyong mga alipin]

Choose other languages: