Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #42 Translated in Filipino

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ وَجَعَلْنَا لَهُمْ أَزْوَاجًا وَذُرِّيَّةً ۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ لِكُلِّ أَجَلٍ كِتَابٌ
At katotohanang Kami ay nagsugo ng mga Tagapagbalita na nauna pa sa iyo (o Muhammad), at Aming ginawaran sila ng mga asawa at anak. At hindi isang katampatan sa isang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban sa kapahintulutan ni Allah. Sa bawat isa at lahat ng bagay ay mayroong kautusan (mula kay Allah)
يَمْحُو اللَّهُ مَا يَشَاءُ وَيُثْبِتُ ۖ وَعِنْدَهُ أُمُّ الْكِتَابِ
Si Allah ang bumubura (o pumapawi) sa anumang Kanyang maibigan at nagpapatotoo (o nagpapatibay) sa (anumang Kanyang maibigan), at nasa Kanya (ang pag- iingat) sa Ina ng mga Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz)
وَإِنْ مَا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيْكَ الْبَلَاغُ وَعَلَيْنَا الْحِسَابُ
Kahit na ipamalas Namin sa iyo (O Muhammad) ang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila o ikaw ay hayaan Namin na mamatay, ang iyong tungkulin lamang ay upang ihatid sa kanila (ang Mensahe), at sa Amin ang pagtutuos
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ وَاللَّهُ يَحْكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Hindi baga nila namamasdan na unti-unti Naming binabawasan ang lupain (ng mga hindi sumasampalataya, at ibinibigay sa mga sumasampalataya, sa kanilang pananagumpay sa digmaan), mula sa kanyang malayong hangganan. At si Allah ang humahatol, wala ng iba pa ang makakapigil ng Kanyang hatol at Siya ay Maagap sa pagtutuos
وَقَدْ مَكَرَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَلِلَّهِ الْمَكْرُ جَمِيعًا ۖ يَعْلَمُ مَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ ۗ وَسَيَعْلَمُ الْكُفَّارُ لِمَنْ عُقْبَى الدَّارِ
At katotohanan, ang mga tao na una pa sa kanila ay nagbalak ng mga pakana, datapuwa’t ang lahat ng pagpaplano ay (angkin) ni Allah. Talastas Niya ang kinikita ng bawat tao, at ang mga hindi sumasampalataya ay makakaalam kung sino ang magkakamit ng mainam na katapusan (huling hantungan)

Choose other languages: