Surah Ar-Rad Ayahs #41 Translated in Filipino
وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَمَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا وَاقٍ
Kaya’t Aming ipinanaog ito (ang Qur’an) upang maging kapasyahan ng kapamahalaan sa (wikang) Arabik. Kung ikaw (O Muhammad) ay susunod sa kanilang (maimbot) na mga pagnanasa, matapos ang karunungan ay dumatal sa iyo, kung gayon, ikaw ay hindi magkakaroon ng anumang wali (tagapangalaga) o tagapagtanggol laban kay Allah
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ وَجَعَلْنَا لَهُمْ أَزْوَاجًا وَذُرِّيَّةً ۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ لِكُلِّ أَجَلٍ كِتَابٌ
At katotohanang Kami ay nagsugo ng mga Tagapagbalita na nauna pa sa iyo (o Muhammad), at Aming ginawaran sila ng mga asawa at anak. At hindi isang katampatan sa isang Tagapagbalita na magdala siya ng Tanda maliban sa kapahintulutan ni Allah. Sa bawat isa at lahat ng bagay ay mayroong kautusan (mula kay Allah)
يَمْحُو اللَّهُ مَا يَشَاءُ وَيُثْبِتُ ۖ وَعِنْدَهُ أُمُّ الْكِتَابِ
Si Allah ang bumubura (o pumapawi) sa anumang Kanyang maibigan at nagpapatotoo (o nagpapatibay) sa (anumang Kanyang maibigan), at nasa Kanya (ang pag- iingat) sa Ina ng mga Aklat (Al-Lauh Al-Mahfuz)
وَإِنْ مَا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ الَّذِي نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيْكَ الْبَلَاغُ وَعَلَيْنَا الْحِسَابُ
Kahit na ipamalas Namin sa iyo (O Muhammad) ang bahagi ng Aming ipinangako sa kanila o ikaw ay hayaan Namin na mamatay, ang iyong tungkulin lamang ay upang ihatid sa kanila (ang Mensahe), at sa Amin ang pagtutuos
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ وَاللَّهُ يَحْكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ سَرِيعُ الْحِسَابِ
Hindi baga nila namamasdan na unti-unti Naming binabawasan ang lupain (ng mga hindi sumasampalataya, at ibinibigay sa mga sumasampalataya, sa kanilang pananagumpay sa digmaan), mula sa kanyang malayong hangganan. At si Allah ang humahatol, wala ng iba pa ang makakapigil ng Kanyang hatol at Siya ay Maagap sa pagtutuos
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
