Quran Apps in many lanuages:

Surah Ar-Rad Ayahs #37 Translated in Filipino

أَفَمَنْ هُوَ قَائِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۗ وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ قُلْ سَمُّوهُمْ ۚ أَمْ تُنَبِّئُونَهُ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي الْأَرْضِ أَمْ بِظَاهِرٍ مِنَ الْقَوْلِ ۗ بَلْ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مَكْرُهُمْ وَصُدُّوا عَنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ
Siya ba (Allah) na namamahala (nagtutustos, nagkakaloob, nangangalaga, atbp.) sa bawat tao (kaluluwa) at nakakaalam ng lahat niyang ginagawa ay katulad ng ibang (mga diyus-diyosan na walang nalalaman)? Gayunpaman, sila ay nagtataguri ng mga katambal kay Allah. Ipagbadya: “Ibigay ninyo ang kanilang mga pangalan! Ipapaalam ba ninyo sa Kanya ang bagay na hindi Niya nalalaman sa kalupaan, o ito kaya ay isa lamang pagpapamalas ng kasinungalingan.” Hindi! Sa mga hindi sumasampalataya, ang kanilang pakana ay pinag-anyong nakakalugod, at sila ay hinadlangan sa Tamang Landas, at kung sinuman ang hayaan ni Allah na maligaw, (sa kanya) ay walang makakapamatnubay
لَهُمْ عَذَابٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَشَقُّ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ
Para sa kanila ay may kaparusahan sa buhay sa mundong ito, at katotohanang higit na mahirap ang kaparusahan sa Kabilang Buhay, at sila ay walang tagapagtanggol laban kay Allah
مَثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۖ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ أُكُلُهَا دَائِمٌ وَظِلُّهَا ۚ تِلْكَ عُقْبَى الَّذِينَ اتَّقَوْا ۖ وَعُقْبَى الْكَافِرِينَ النَّارُ
Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao na nagmamahal kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan) ay ito! - sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy, ang kanyang pagkain (at mga panustos) ay hindi nasasaid, gayundin ang kanyang lilim, ito ang katapusan (panghuling hantungan) ng Muttaqun, at ang katapusan (panghuling hantungan) ng mga hindi sumasampalataya ay Apoy
وَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَفْرَحُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ ۖ وَمِنَ الْأَحْزَابِ مَنْ يُنْكِرُ بَعْضَهُ ۚ قُلْ إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ اللَّهَ وَلَا أُشْرِكَ بِهِ ۚ إِلَيْهِ أَدْعُو وَإِلَيْهِ مَآبِ
Sa kanila na Aming pinagkalooban ng Aklat (katulad ni Abdullah bin Salam at iba pang mga Hudyo na yumakap sa Islam), ay nagagalak sa anumang ipinahayag Namin sa iyo (alalaong baga, ang Qur’an), datapuwa’t mayroon sa lipon ng mga mag-anak (mula sa mga Hudyo at pagano) ang nagtatakwil sa bahagi nito. Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay pinag-utusan lamang na tanging sumamba kay Allah at huwag magtambal (ng iba pang diyos) sa Kanya. Sa Kanya lamang ako dumadalangin at sa Kanya ang aking pagbabalik”
وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَمَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا وَاقٍ
Kaya’t Aming ipinanaog ito (ang Qur’an) upang maging kapasyahan ng kapamahalaan sa (wikang) Arabik. Kung ikaw (O Muhammad) ay susunod sa kanilang (maimbot) na mga pagnanasa, matapos ang karunungan ay dumatal sa iyo, kung gayon, ikaw ay hindi magkakaroon ng anumang wali (tagapangalaga) o tagapagtanggol laban kay Allah

Choose other languages: