Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #11 Translated in Filipino

وَالْخَامِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَيْهِ إِنْ كَانَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
At ang ikalimang (pagsaksi) ay ang pagluhog sa Sumpa ni Allah sa kanya kung siya ay isa roon sa nagsasabi ng kasinungalingan (laban sa kanya, sa babae)
وَيَدْرَأُ عَنْهَا الْعَذَابَ أَنْ تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ
Datapuwa’t mapipigilan ang kaparusahan sa kanya (sa babae na batuhin hanggang mamatay) kung siya ay magbibigay saksi ng apat na beses na ang kanyang (asawa) ay nagsasabi ng kasinungalingan
وَالْخَامِسَةَ أَنَّ غَضَبَ اللَّهِ عَلَيْهَا إِنْ كَانَ مِنَ الصَّادِقِينَ
At ang ikalimang pagsaksi ay manaig sa kanya (babae), ang Poot ni Allah kung ang kanyang asawa (lalaki) ay nagsasabi (pala) ng katotohanan
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana Niya ang kaparusahan sa inyo)! At si Allah ang Tanging Siya na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaalam
إِنَّ الَّذِينَ جَاءُوا بِالْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِنْكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَكُمْ ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ لِكُلِّ امْرِئٍ مِنْهُمْ مَا اكْتَسَبَ مِنَ الْإِثْمِ ۚ وَالَّذِي تَوَلَّىٰ كِبْرَهُ مِنْهُمْ لَهُ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Katotohanan! Sila na nagkakalat ng paninirang puri (laban kay Aisha, ang asawa ni Propeta Muhammad) ay isang pangkat sa lipon ninyo. Huwag ninyong isaalang-alang na ito ay masamang bagay sa inyo. Hindi, ito ay mabuti sa inyo. (Alalaong baga, marapat na ang kasinungalingan ay mapatunayan kaysa ang malagay sa eskandalo at kahihiyan). Ang bawat tao sa lipon nila ay babayaran sa anumang kanyang ginawang kasalanan, at sa kanya sa lipon nila na may malaking bahagi (sa kasalanang ito), sasakanya ang higit na malaking parusa

Choose other languages: