Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #10 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ يَرْمُونَ أَزْوَاجَهُمْ وَلَمْ يَكُنْ لَهُمْ شُهَدَاءُ إِلَّا أَنْفُسُهُمْ فَشَهَادَةُ أَحَدِهِمْ أَرْبَعُ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الصَّادِقِينَ
At sa mga nagpaparatang sa kanilang mga asawang (babae) datapuwa’t wala silang saksi maliban sa kanilang sarili, hayaang ang pagsaksi ng isa sa kanila ay gawing apat na pagsaksi (alalaong baga, sumaksi ng apat na beses) sa (Ngalan) ni Allah na siya ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan
وَالْخَامِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَيْهِ إِنْ كَانَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
At ang ikalimang (pagsaksi) ay ang pagluhog sa Sumpa ni Allah sa kanya kung siya ay isa roon sa nagsasabi ng kasinungalingan (laban sa kanya, sa babae)
وَيَدْرَأُ عَنْهَا الْعَذَابَ أَنْ تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ
Datapuwa’t mapipigilan ang kaparusahan sa kanya (sa babae na batuhin hanggang mamatay) kung siya ay magbibigay saksi ng apat na beses na ang kanyang (asawa) ay nagsasabi ng kasinungalingan
وَالْخَامِسَةَ أَنَّ غَضَبَ اللَّهِ عَلَيْهَا إِنْ كَانَ مِنَ الصَّادِقِينَ
At ang ikalimang pagsaksi ay manaig sa kanya (babae), ang Poot ni Allah kung ang kanyang asawa (lalaki) ay nagsasabi (pala) ng katotohanan
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana Niya ang kaparusahan sa inyo)! At si Allah ang Tanging Siya na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaalam

Choose other languages: