Surah An-Nur Ayahs #14 Translated in Filipino
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana Niya ang kaparusahan sa inyo)! At si Allah ang Tanging Siya na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaalam
إِنَّ الَّذِينَ جَاءُوا بِالْإِفْكِ عُصْبَةٌ مِنْكُمْ ۚ لَا تَحْسَبُوهُ شَرًّا لَكُمْ ۖ بَلْ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۚ لِكُلِّ امْرِئٍ مِنْهُمْ مَا اكْتَسَبَ مِنَ الْإِثْمِ ۚ وَالَّذِي تَوَلَّىٰ كِبْرَهُ مِنْهُمْ لَهُ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Katotohanan! Sila na nagkakalat ng paninirang puri (laban kay Aisha, ang asawa ni Propeta Muhammad) ay isang pangkat sa lipon ninyo. Huwag ninyong isaalang-alang na ito ay masamang bagay sa inyo. Hindi, ito ay mabuti sa inyo. (Alalaong baga, marapat na ang kasinungalingan ay mapatunayan kaysa ang malagay sa eskandalo at kahihiyan). Ang bawat tao sa lipon nila ay babayaran sa anumang kanyang ginawang kasalanan, at sa kanya sa lipon nila na may malaking bahagi (sa kasalanang ito), sasakanya ang higit na malaking parusa
لَوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ ظَنَّ الْمُؤْمِنُونَ وَالْمُؤْمِنَاتُ بِأَنْفُسِهِمْ خَيْرًا وَقَالُوا هَٰذَا إِفْكٌ مُبِينٌ
Bakit kaya ang mga sumasampalataya, lalaki at babae, kung iyong marinig ito (ang paninirang puri) ay hindi nag- iisip ng mabuti sa kanilang sariling pamayanan at magsabi: “Ang (paratang na ito) ay lantarang kasinungalingan?”
لَوْلَا جَاءُوا عَلَيْهِ بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ ۚ فَإِذْ لَمْ يَأْتُوا بِالشُّهَدَاءِ فَأُولَٰئِكَ عِنْدَ اللَّهِ هُمُ الْكَاذِبُونَ
Bakit sila hindi nagtanghal ng apat na saksi? dahilan sa sila (ang mga mapanirang puri) ay hindi nakapagpakita ng mga saksi, sila sa katotohanan ay mga sinungaling sa Paningin ni Allah
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِي مَا أَفَضْتُمْ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, isang malaking kaparusahan ang daranasin ninyo dahilan sa inyong mga sinabi
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
