Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #58 Translated in Filipino

قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ ۖ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَا حُمِّلْتُمْ ۖ وَإِنْ تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا ۚ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ
Ipagbadya: “Sundin ninyo si Allah at sundin ang Tagapagbalita, datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, siya (ang Tagapagbalita, si Muhammad) ay may pananagutan lamang sa tungkuling iniatang sa kanya (alalaong baga, upang iparating lamang ang Mensahe ni Allah), at ang sa inyo, ay kung ano ang iniatang sa inyo. Kung kayo ay susunod sa kanya, kayo ay malalagay sa tamang patnubay. Ang tanging tungkulin ng Tagapagbalita ay upang ipaabot sa inyo (ang mensahe) sa maliwanag na paraan (alalaong baga, ang mangaral nang maliwanag at mahusay).”
وَعَدَ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَيَسْتَخْلِفَنَّهُمْ فِي الْأَرْضِ كَمَا اسْتَخْلَفَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَلَيُمَكِّنَنَّ لَهُمْ دِينَهُمُ الَّذِي ارْتَضَىٰ لَهُمْ وَلَيُبَدِّلَنَّهُمْ مِنْ بَعْدِ خَوْفِهِمْ أَمْنًا ۚ يَعْبُدُونَنِي لَا يُشْرِكُونَ بِي شَيْئًا ۚ وَمَنْ كَفَرَ بَعْدَ ذَٰلِكَ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
Si Allah ay nangako sa inyo na mga sumasampalataya, at nagsisigawa ng kabutihan, na katiyakang sila ay pagkakalooban Niya ng papalit (sa pangkasalukuyang namumuno) sa kalupaan, kung paano rin namang ipinagkaloob Niya ito sa mga nangauna sa kanila, at ipagkakaloob Niya sa kanila ang kapamahalaan upang isagawa ang kanilang relihiyon, na Kanyang hinirang para sa kanila (alalaong baga, ang Islam). At katiyakang ipagkakaloob Niya sa kanila bilang kapalit ang ligtas na pangangalaga sa kanilang pangangamba, (kung) sila (na mga sumasampalataya) ay sasamba sa Akin at hindi magtatambal ng anupaman (sa pagsamba) sa Akin. Datapuwa’t kung sinuman ang mawalan ng pananampalataya pagkaraan nito, sila ang Fasiqun (mapagpalalo, mapaghimagsik at suwail kay Allah)
وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
At mag-alay kayo ng dasal nang mahinusay (Salah), at magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sundin ninyo ang Tagapagbalita (Muhammad), upang kayo ay magsitanggap ng habag (mula kay Allah)
لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۚ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ وَلَبِئْسَ الْمَصِيرُ
Huwag ninyong akalain na ang mga hindi sumasampalataya ay makakatalilis sa kalupaan. Ang kanilang pananahanan ay Apoy, - at tunay na pagkasama-sama ng gayong hantungan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِيَسْتَأْذِنْكُمُ الَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ وَالَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنْكُمْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ ۚ مِنْ قَبْلِ صَلَاةِ الْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُمْ مِنَ الظَّهِيرَةِ وَمِنْ بَعْدِ صَلَاةِ الْعِشَاءِ ۚ ثَلَاثُ عَوْرَاتٍ لَكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّافُونَ عَلَيْكُمْ بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
O kayong mga sumasampalataya! Hayaan ang inyong legal na mga alipin at mga babaeng alipin, at sila sa lipon ninyo na hindi pa sumasapit sa gulang ng pagdadalaga, ay humingi sa inyo ng pahintulot (bago sila lumapit sa inyo) sa tatlong pangyayari; bago ang pang-umagang pagdarasal, at habang kayo ay nagpapalit ng inyong kasuotan (nagbihis ng iba) sa panghapong pamamahinga, at matapos ang pagdarasal ng Isha (panggabing panalangin). Ang tatlong kalagayan (oras) na ito ay pribado para sa inyo (oras ng pampribadong damit), maliban sa tatlong panahong ito, hindi isang kasalanan sa inyo o sa kanila na lumibot at gumalaw, na tumutugon (at tumutulong) sa (pangangailangan) ng bawat isa. Kaya’t ginawa ni Allah na malinaw sa inyo ang Ayat (ang mga Talata ng Qur’an, na nagpapakita ng mga katibayan tungkol sa legal na pananaw sa pahintulot ng mga pagdalaw, atbp.). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan

Choose other languages: