Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #61 Translated in Filipino

لَا تَحْسَبَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مُعْجِزِينَ فِي الْأَرْضِ ۚ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ وَلَبِئْسَ الْمَصِيرُ
Huwag ninyong akalain na ang mga hindi sumasampalataya ay makakatalilis sa kalupaan. Ang kanilang pananahanan ay Apoy, - at tunay na pagkasama-sama ng gayong hantungan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لِيَسْتَأْذِنْكُمُ الَّذِينَ مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ وَالَّذِينَ لَمْ يَبْلُغُوا الْحُلُمَ مِنْكُمْ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ ۚ مِنْ قَبْلِ صَلَاةِ الْفَجْرِ وَحِينَ تَضَعُونَ ثِيَابَكُمْ مِنَ الظَّهِيرَةِ وَمِنْ بَعْدِ صَلَاةِ الْعِشَاءِ ۚ ثَلَاثُ عَوْرَاتٍ لَكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ وَلَا عَلَيْهِمْ جُنَاحٌ بَعْدَهُنَّ ۚ طَوَّافُونَ عَلَيْكُمْ بَعْضُكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
O kayong mga sumasampalataya! Hayaan ang inyong legal na mga alipin at mga babaeng alipin, at sila sa lipon ninyo na hindi pa sumasapit sa gulang ng pagdadalaga, ay humingi sa inyo ng pahintulot (bago sila lumapit sa inyo) sa tatlong pangyayari; bago ang pang-umagang pagdarasal, at habang kayo ay nagpapalit ng inyong kasuotan (nagbihis ng iba) sa panghapong pamamahinga, at matapos ang pagdarasal ng Isha (panggabing panalangin). Ang tatlong kalagayan (oras) na ito ay pribado para sa inyo (oras ng pampribadong damit), maliban sa tatlong panahong ito, hindi isang kasalanan sa inyo o sa kanila na lumibot at gumalaw, na tumutugon (at tumutulong) sa (pangangailangan) ng bawat isa. Kaya’t ginawa ni Allah na malinaw sa inyo ang Ayat (ang mga Talata ng Qur’an, na nagpapakita ng mga katibayan tungkol sa legal na pananaw sa pahintulot ng mga pagdalaw, atbp.). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan
وَإِذَا بَلَغَ الْأَطْفَالُ مِنْكُمُ الْحُلُمَ فَلْيَسْتَأْذِنُوا كَمَا اسْتَأْذَنَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At kung ang mga bata sa lipon ninyo ay sumapit na sa gulang ng pagdadalaga (o pagbibinata), kung gayon, hayaan ding sila ay humingi ng pahintulot sa mga nakakatanda sa kanila (sa gulang). Kaya’t sa ganito ay ginawang malinaw sa inyo ni Allah ang Kanyang Ayat (mga Pag-uutos at legal na tungkulin). At si Allah ay Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan
وَالْقَوَاعِدُ مِنَ النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا يَرْجُونَ نِكَاحًا فَلَيْسَ عَلَيْهِنَّ جُنَاحٌ أَنْ يَضَعْنَ ثِيَابَهُنَّ غَيْرَ مُتَبَرِّجَاتٍ بِزِينَةٍ ۖ وَأَنْ يَسْتَعْفِفْنَ خَيْرٌ لَهُنَّ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At sa mga kababaihan na lagpas na sa panahon ng pagbubuntis, na hindi na umaasa na makapag- aasawa, hindi kasalanan sa kanila, kung sila ay mag-alis ng kanilang (panglabas) na kasuotan sa paraan na ito ay hindi nagpapakita ng palamuti. Datapuwa’t ang umiwas dito (sa pag-aalis ng kanilang panglabas na kasuotan) ay higit na mainam sa kanila. At si Allah ang Lubos na Nakakarinig, ang Ganap na Maalam
لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ وَلَا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ أَنْ تَأْكُلُوا مِنْ بُيُوتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ آبَائِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أُمَّهَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ إِخْوَانِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخَوَاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَعْمَامِكُمْ أَوْ بُيُوتِ عَمَّاتِكُمْ أَوْ بُيُوتِ أَخْوَالِكُمْ أَوْ بُيُوتِ خَالَاتِكُمْ أَوْ مَا مَلَكْتُمْ مَفَاتِحَهُ أَوْ صَدِيقِكُمْ ۚ لَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَنْ تَأْكُلُوا جَمِيعًا أَوْ أَشْتَاتًا ۚ فَإِذَا دَخَلْتُمْ بُيُوتًا فَسَلِّمُوا عَلَىٰ أَنْفُسِكُمْ تَحِيَّةً مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُبَارَكَةً طَيِّبَةً ۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ
walang ibinabawal sa bulag, at wala ring ibinabawal sa pilay, at wala ring ibinabawal sa may karamdaman, gayundin sa inyong sarili, kung kayo ay kumakain sa inyong tahanan, o sa tahanan ng inyong ama, o sa tahanan ng inyong ina, o sa tahanan ng inyong kapatid na lalaki, o sa tahanan ng inyong kapatid na babae, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ama, o sa tahanan ng kapatid na lalaki ng inyong ina, o sa tahanan ng kapatid na babae ng inyong ina, o kung saan (mang bahay) na kayo ay nagtatangan ng susi, o sa tahanan ng isang kaibigan. Hindi isang kasalanan sa inyo kung kayo ay kumain nang salu-salo o magkabukod. Datapuwa’t kung kayo ay magsipasok sa mga tahanan, magbatian kayo sa isa’t isa ng isang pagbati na mula kay Allah (alalaong baga, magsabi ng Assalamu Alaikum [Sumaiyo ang kapayapaan]) na pinagpala at mabuti. Kaya’t sa ganito ginawa ni Allah na maging malinaw ang Ayat (mga Talata ng Qur’an o mga tanda na pangrelihiyon, atbp.) upang kayo ay makaunawa

Choose other languages: