Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Ayahs #18 Translated in Filipino

وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ لَمَسَّكُمْ فِي مَا أَفَضْتُمْ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, isang malaking kaparusahan ang daranasin ninyo dahilan sa inyong mga sinabi
إِذْ تَلَقَّوْنَهُ بِأَلْسِنَتِكُمْ وَتَقُولُونَ بِأَفْوَاهِكُمْ مَا لَيْسَ لَكُمْ بِهِ عِلْمٌ وَتَحْسَبُونَهُ هَيِّنًا وَهُوَ عِنْدَ اللَّهِ عَظِيمٌ
Nang inyong ipinamamalita ito ng inyong dila, at sinasambit ng inyong bibig na wala naman kayong kaalaman, itinuturing ninyo ito na isang maliit na bagay, datapuwa’t ito ay lubhang malaki sa Paningin ni Allah
وَلَوْلَا إِذْ سَمِعْتُمُوهُ قُلْتُمْ مَا يَكُونُ لَنَا أَنْ نَتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبْحَانَكَ هَٰذَا بُهْتَانٌ عَظِيمٌ
At bakit nang inyong marinig ito ay hindi kayo nagsabi ng: “Hindi isang katampatan na kami ay mangusap ng ganito. Luwalhatiin Kayo (OAllah), ito ay isang malaking kasinungalingan.”
يَعِظُكُمُ اللَّهُ أَنْ تَعُودُوا لِمِثْلِهِ أَبَدًا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Si Allah ay nagbabawal sa inyo nito, at nagbababala sa inyo na huwag nang ulitin ito o ang katulad nito kahit na kailanman, kung kayo ay sumasampalataya
وَيُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمُ الْآيَاتِ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
At si Allah ay gumagawa ng Ayat (mga katibayan, talata, tanda, aral, atbp.) na maging maliwanag sa inyo, at si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Lubos na Maalam

Choose other languages: