Surah An-Nisa Ayahs #88 Translated in Filipino
فَقَاتِلْ فِي سَبِيلِ اللَّهِ لَا تُكَلَّفُ إِلَّا نَفْسَكَ ۚ وَحَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ ۖ عَسَى اللَّهُ أَنْ يَكُفَّ بَأْسَ الَّذِينَ كَفَرُوا ۚ وَاللَّهُ أَشَدُّ بَأْسًا وَأَشَدُّ تَنْكِيلًا
At makipagtunggali ka (o Muhammad) tungo sa Kapakanan ni Allah, ikaw ay hindi ginawaran ng katungkulan (o pananagutan) maliban lamang sa iyong sarili, at iyong hikayatin ang mga sumasampalataya (na samahan ka na makipagtunggali), maaaring si Allah ang pipigil sa masidhing kasamaan ng mga hindi sumasampalataya. At si Allah ay Malakas sa Kapangyarihan at Matatag sa pagpaparusa
مَنْ يَشْفَعْ شَفَاعَةً حَسَنَةً يَكُنْ لَهُ نَصِيبٌ مِنْهَا ۖ وَمَنْ يَشْفَعْ شَفَاعَةً سَيِّئَةً يَكُنْ لَهُ كِفْلٌ مِنْهَا ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ مُقِيتًا
Ang sinumang mamagitan tungo sa mabuting hangarin ay magkakamit ng gantimpala nito, at sinumang mamagitan tungo sa masamang hangarin ay magtatamasa ng bahagi ng dalahin (pananagutan) nito. At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Makakagawa ng lahat ng bagay
وَإِذَا حُيِّيتُمْ بِتَحِيَّةٍ فَحَيُّوا بِأَحْسَنَ مِنْهَا أَوْ رُدُّوهَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ حَسِيبًا
At kung kayo ay batiin ng pagbati, sila ay inyong suklian ng pagbati na higit na mainam (kaysa) rito, o di kaya’y suklian ito ng katumbas na pagbati. Katiyakang si Allah ay Lalagi nang Maingat na Tagapagsulit ng lahat ng bagay
اللَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۗ وَمَنْ أَصْدَقُ مِنَ اللَّهِ حَدِيثًا
Allah! La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Katiyakang kayo ay Kanyang titipunin nang sama-sama sa Araw ng Muling Pagkabuhay at ito ay walang alinlangan. At sino pa kaya ang higit na makatotohanan sa pangungusap maliban kay Allah
فَمَا لَكُمْ فِي الْمُنَافِقِينَ فِئَتَيْنِ وَاللَّهُ أَرْكَسَهُمْ بِمَا كَسَبُوا ۚ أَتُرِيدُونَ أَنْ تَهْدُوا مَنْ أَضَلَّ اللَّهُ ۖ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ سَبِيلًا
At ano ang nangyayari sa inyo na kayo ay nahahati sa dalawang pangkat (kung) tungkol sa mga mapagkunwari? Si Allah ay nagtapon sa kanilang muli (sa kawalan ng pananalig) dahilan sa kanilang pinagsumikapan (kinita). Nais ba ninyong patnubayan siya na ninais ni Allah na mapaligaw? At siya na ninais ni Allah na mapaligaw, kayo ay hindi kailanman makakatagpo para sa kanya ng anumang paraan (patnubay)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
