Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #68 Translated in Filipino

وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ رَسُولٍ إِلَّا لِيُطَاعَ بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَلَوْ أَنَّهُمْ إِذْ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ جَاءُوكَ فَاسْتَغْفَرُوا اللَّهَ وَاسْتَغْفَرَ لَهُمُ الرَّسُولُ لَوَجَدُوا اللَّهَ تَوَّابًا رَحِيمًا
Hindi Kami nagsugo ng isang Tagapagbalita maliban na (siya) ay sundin sa kapahintulutan ni Allah. At sila (ang mapagkunwari), nang sila ay hindi naging makatarungan sa kanilang sarili, ay pumaroon sa iyo (Muhammad) at nanikluhod sa kapatawaran ni Allah, at ang Tagapagbalita ay nagsumamo ng Kapatawaran para sa kanila, tunay na kanilang matatagpuan na si Allah ay Ganap na Nagpapatawad(Tanging Siyaangtumatanggapngpagsisisi), ang Pinakamaawain
فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤْمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيْنَهُمْ ثُمَّ لَا يَجِدُوا فِي أَنْفُسِهِمْ حَرَجًا مِمَّا قَضَيْتَ وَيُسَلِّمُوا تَسْلِيمًا
Hindi, subalit sa pamamagitan ng iyong Panginoon, sila ay hindi magkakaroon ng Pananalig hangga’t ikaw (O Muhammad) ay hindi nila ginagawang tagahatol (hukom) sa lahat ng mga pagkakahidwa-hidwa sa kanilang pagitan, at huwag nilang salansangin ang iyong pagpapasya at maluwag nilang tanggapin ang mga ito nang ganap
وَلَوْ أَنَّا كَتَبْنَا عَلَيْهِمْ أَنِ اقْتُلُوا أَنْفُسَكُمْ أَوِ اخْرُجُوا مِنْ دِيَارِكُمْ مَا فَعَلُوهُ إِلَّا قَلِيلٌ مِنْهُمْ ۖ وَلَوْ أَنَّهُمْ فَعَلُوا مَا يُوعَظُونَ بِهِ لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ وَأَشَدَّ تَثْبِيتًا
At kung sila ay pag-utusan Namin (na nagsasabi), “Patayin ninyo ang inyong sarili (alalaong baga, ang mga walang kasalanan ay pumatay sa mga makasalanan) o iwan ninyo ang inyong mga tahanan”, lubhang iilan sa kanila ang gagawa nito; datapuwa’t kung kanilang isinagawa ang sa kanila ay ipinag-utos, ito ay higit na mainam sa kanila, at (ito) ay magpapatatag sa kanilang (pananalig)
وَإِذًا لَآتَيْنَاهُمْ مِنْ لَدُنَّا أَجْرًا عَظِيمًا
At katiyakan, Aming ipagkakaloob sa kanila mula sa Amin ang malaking pabuya
وَلَهَدَيْنَاهُمْ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا
At katiyakan, Aming papatnubayan sila sa Matuwid na Landas

Choose other languages: