Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #53 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنْفُسَهُمْ ۚ بَلِ اللَّهُ يُزَكِّي مَنْ يَشَاءُ وَلَا يُظْلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ba ninyo napagmamasdan ang mga nag-aangkin ng kabanalan para sa kanilang sarili. Hindi, datapuwa’t si Allah ang nagpapabanal sa sinumang Kanyang mapusuan at sila ay hindi pakikitungahan ng kawalang katarungan kahit na katumbas lang ng isang Fatila (isang hibla ng kaliskis ng buto ng palmera [datiles)
انْظُرْ كَيْفَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ ۖ وَكَفَىٰ بِهِ إِثْمًا مُبِينًا
Pagmasdan, kung paano sila kumakatha ng kasinungalingan laban kay Allah, at sapat na ito bilang isang lantad na kasalanan
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ أُوتُوا نَصِيبًا مِنَ الْكِتَابِ يُؤْمِنُونَ بِالْجِبْتِ وَالطَّاغُوتِ وَيَقُولُونَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا هَٰؤُلَاءِ أَهْدَىٰ مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا سَبِيلًا
Hindi ba ninyo napagmamalas ang mga nabigyan ng Kasulatan? Sila ay nananampalataya sa Jibt at Taghut (anumang sinasamba maliban sa Tunay at Nag-iisang Diyos [Allah], huwad na mga diyus-diyosan, atbp.), at nagsasabi sa mga hindi sumasampalataya na sila ay higit at mainam na napapatnubayan (sa tamang landas) kung ihahambing sa mga sumasampalataya
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَعَنَهُمُ اللَّهُ ۖ وَمَنْ يَلْعَنِ اللَّهُ فَلَنْ تَجِدَ لَهُ نَصِيرًا
Sila ang mga isinumpa ni Allah, at sa sinuman na isinusumpa ni Allah, kayo ay hindi makakatagpo para sa kanila ng (anumang) kawaksi
أَمْ لَهُمْ نَصِيبٌ مِنَ الْمُلْكِ فَإِذًا لَا يُؤْتُونَ النَّاسَ نَقِيرًا
o mayroon ba silang kahati sa kapamahalaan o kapangyarihan? Pagmasdan, sila ay hindi nagbibigay kahit na sungot (ng palmera) sa kanilang kapwa tao

Choose other languages: