Surah An-Nisa Ayahs #46 Translated in Filipino
يَوْمَئِذٍ يَوَدُّ الَّذِينَ كَفَرُوا وَعَصَوُا الرَّسُولَ لَوْ تُسَوَّىٰ بِهِمُ الْأَرْضُ وَلَا يَكْتُمُونَ اللَّهَ حَدِيثًا
Sa Araw na yaon, ang mga nagtakwil ng pananampalataya at hindi sumunod sa Tagapagbalita (Muhammad) ay maghahangad na ang kalupaan ay tumabon sa kanila, datapuwa’t sila ay hindi makakapaglihim ng kahit na isang katibayan (katunayan) kay Allah
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَقْرَبُوا الصَّلَاةَ وَأَنْتُمْ سُكَارَىٰ حَتَّىٰ تَعْلَمُوا مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغْتَسِلُوا ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا
o kayong nagsisisimpalataya! Huwag kayong magsipag-alay ng panalangin kung kayo ay nasa kalagayan ng pagkalango, hanggang sa inyong maunawaan (ang kahulugan) ng inyong sinasabi, gayundin kung kayo ay nasa kalagayan ng “Janaba” (kalagayan ng kawalang kalinisan kung nakipagtalik at hindi pa nakakapaligo), maliban na lamang kung kayo ay naglalakbay sa mahabang lansangan (at doon ay walang tubig, o naparaan lamang sa moske o bahay dalanginan), hanggang sa makapaghugas kayo ng inyong buong katawan. Kung kayo ay may sakit o naglalakbay, o katatapos lamang ninyo na dumumi (o umihi), o kayo ay nagkaroon ng pakikipagtalik at kayo ay hindi nakatagpo ng tubig, kung gayon, kayo ay humanap ng malinis na lupa at inyong haplusin (sa pamamagitan) nito ang inyong mukha at mga kamay (Tayammum). Katotohanang si Allah ang pumapalis ng kasalanan, ang Lagi nang Nagpapatawad
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ أُوتُوا نَصِيبًا مِنَ الْكِتَابِ يَشْتَرُونَ الضَّلَالَةَ وَيُرِيدُونَ أَنْ تَضِلُّوا السَّبِيلَ
Hindi ba ninyo napagmamalas sila na pinagkalooban ng bahagi ng aklat (ang mga Hudyo), na bumibili ng maling landas at naghahangad na kayo ay mapaligaw sa tamang landas
وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِأَعْدَائِكُمْ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَلِيًّا وَكَفَىٰ بِاللَّهِ نَصِيرًا
Si Allah ay may ganap na kaalaman sa inyong mga kaaway, at si Allah ay sapat na bilang “wali” (Tagapangalaga), at si Allah ay sapat na bilang Kawaksi
مِنَ الَّذِينَ هَادُوا يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ عَنْ مَوَاضِعِهِ وَيَقُولُونَ سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَاسْمَعْ غَيْرَ مُسْمَعٍ وَرَاعِنَا لَيًّا بِأَلْسِنَتِهِمْ وَطَعْنًا فِي الدِّينِ ۚ وَلَوْ أَنَّهُمْ قَالُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا وَاسْمَعْ وَانْظُرْنَا لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ وَأَقْوَمَ وَلَٰكِنْ لَعَنَهُمُ اللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُونَ إِلَّا قَلِيلًا
At sa lipon ng mga Hudyo ay mayroong ilan na nagbibigay ng maling kahulugan sa mga salita (laban) sa tunay (nitong) kahulugan at nagsasabi: “Aming naririnig ang iyong salita (o Muhammad) at kami ay sumusuway,” at “Nakikinig at hinayaan ka (namin, o Muhammad) na walang mapakinggan.” At “Ra’ina” (ang kahulugan nito sa Arabik ay “Maging maingat, [kayo] ay makinig sa amin” at kami ay nakikinig sa inyo at sa Hebreo, ito ay nangangahulugan na “isang insulto”), sa gagad ng kanilang dila at panunuya sa Pananampalataya (Islam). At kung kanila lamang sinabi: “Kami ay nakakarinig at sumusunod,” at “Hayaang kami ay makaunawa,” ito ay higit (sana) na naging mabuti sa kanila at higit na katampatan, datapuwa’t si Allah ay sumumpa sa kanila dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya at ilan lamang sa kanila ang sumasampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
