Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #49 Translated in Filipino

وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِأَعْدَائِكُمْ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَلِيًّا وَكَفَىٰ بِاللَّهِ نَصِيرًا
Si Allah ay may ganap na kaalaman sa inyong mga kaaway, at si Allah ay sapat na bilang “wali” (Tagapangalaga), at si Allah ay sapat na bilang Kawaksi
مِنَ الَّذِينَ هَادُوا يُحَرِّفُونَ الْكَلِمَ عَنْ مَوَاضِعِهِ وَيَقُولُونَ سَمِعْنَا وَعَصَيْنَا وَاسْمَعْ غَيْرَ مُسْمَعٍ وَرَاعِنَا لَيًّا بِأَلْسِنَتِهِمْ وَطَعْنًا فِي الدِّينِ ۚ وَلَوْ أَنَّهُمْ قَالُوا سَمِعْنَا وَأَطَعْنَا وَاسْمَعْ وَانْظُرْنَا لَكَانَ خَيْرًا لَهُمْ وَأَقْوَمَ وَلَٰكِنْ لَعَنَهُمُ اللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُونَ إِلَّا قَلِيلًا
At sa lipon ng mga Hudyo ay mayroong ilan na nagbibigay ng maling kahulugan sa mga salita (laban) sa tunay (nitong) kahulugan at nagsasabi: “Aming naririnig ang iyong salita (o Muhammad) at kami ay sumusuway,” at “Nakikinig at hinayaan ka (namin, o Muhammad) na walang mapakinggan.” At “Ra’ina” (ang kahulugan nito sa Arabik ay “Maging maingat, [kayo] ay makinig sa amin” at kami ay nakikinig sa inyo at sa Hebreo, ito ay nangangahulugan na “isang insulto”), sa gagad ng kanilang dila at panunuya sa Pananampalataya (Islam). At kung kanila lamang sinabi: “Kami ay nakakarinig at sumusunod,” at “Hayaang kami ay makaunawa,” ito ay higit (sana) na naging mabuti sa kanila at higit na katampatan, datapuwa’t si Allah ay sumumpa sa kanila dahilan sa kanilang kawalan ng pananampalataya at ilan lamang sa kanila ang sumasampalataya
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ آمِنُوا بِمَا نَزَّلْنَا مُصَدِّقًا لِمَا مَعَكُمْ مِنْ قَبْلِ أَنْ نَطْمِسَ وُجُوهًا فَنَرُدَّهَا عَلَىٰ أَدْبَارِهَا أَوْ نَلْعَنَهُمْ كَمَا لَعَنَّا أَصْحَابَ السَّبْتِ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ مَفْعُولًا
O kayo na mga pinagkalooban ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Magsisampalataya kayo sa Aming ipinahayag (kay Muhammad) na nagpapatotoo (kung ano na noon) ang nasa sa inyo, bago Namin burahin (palisin) ang mga mukha (sa pamamagitan ng pagbibigay hubog dito na tulad ng batok na walang ilong, bibig, mata, atbp.) at ilagay sa likuran, o ang isumpa sila kung paano Namin isinumpa ang mga lumalabag sa (araw) ng Sabado, sapagkat ang pasya ni Allah ay dapat na ipatupad
إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ ۚ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَىٰ إِثْمًا عَظِيمًا
Katotohanang si Allah ay hindi nagpapatawad na ang mga iba ay itambal pa sa Kanya sa pagsamba, datapuwa’t Siya ay nagpapatawad (ng lahat) maliban (lamang sa una) sa sinumang Kanyang maibigan, at sinumang magtindig ng katambal sa pagsamba kay Allah, katotohanang siya ay gumawa ng kahambal- hambal na kasalanan
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ يُزَكُّونَ أَنْفُسَهُمْ ۚ بَلِ اللَّهُ يُزَكِّي مَنْ يَشَاءُ وَلَا يُظْلَمُونَ فَتِيلًا
Hindi ba ninyo napagmamasdan ang mga nag-aangkin ng kabanalan para sa kanilang sarili. Hindi, datapuwa’t si Allah ang nagpapabanal sa sinumang Kanyang mapusuan at sila ay hindi pakikitungahan ng kawalang katarungan kahit na katumbas lang ng isang Fatila (isang hibla ng kaliskis ng buto ng palmera [datiles)

Choose other languages: