Surah An-Nisa Ayahs #36 Translated in Filipino
وَلَا تَتَمَنَّوْا مَا فَضَّلَ اللَّهُ بِهِ بَعْضَكُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ ۚ لِلرِّجَالِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبُوا ۖ وَلِلنِّسَاءِ نَصِيبٌ مِمَّا اكْتَسَبْنَ ۚ وَاسْأَلُوا اللَّهَ مِنْ فَضْلِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمًا
At huwag ninyong pag-imbutan ang mga bagay na ipinagkaloob ni Allah sa mga iba na higit sa inyo. Sa mga lalaki ay mayroong gantimpala sa anumang kanilang kinita, (gayundin naman) sa mga babae ay mayroong gantimpala sa anumang kanilang kinita, datapuwa’t kayo ay humingi kay Allah ng Kanyang Biyaya. Katotohanang si Allah ay may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay
وَلِكُلٍّ جَعَلْنَا مَوَالِيَ مِمَّا تَرَكَ الْوَالِدَانِ وَالْأَقْرَبُونَ ۚ وَالَّذِينَ عَقَدَتْ أَيْمَانُكُمْ فَآتُوهُمْ نَصِيبَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا
At sa (kapakinabangan) ng lahat, Kami ay nagtakda ng mga tagapagmana (ng ari-arian) na naiwan ng mga magulang at kamag-anak. At gayundin sa kanila na nasa kandili ng inyong kanang kamay, igawad sa kanila ang katampatang bahagi (o parte), sapagkat katotohanang si Allah ang saksi sa lahat ng bagay
الرِّجَالُ قَوَّامُونَ عَلَى النِّسَاءِ بِمَا فَضَّلَ اللَّهُ بَعْضَهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ وَبِمَا أَنْفَقُوا مِنْ أَمْوَالِهِمْ ۚ فَالصَّالِحَاتُ قَانِتَاتٌ حَافِظَاتٌ لِلْغَيْبِ بِمَا حَفِظَ اللَّهُ ۚ وَاللَّاتِي تَخَافُونَ نُشُوزَهُنَّ فَعِظُوهُنَّ وَاهْجُرُوهُنَّ فِي الْمَضَاجِعِ وَاضْرِبُوهُنَّ ۖ فَإِنْ أَطَعْنَكُمْ فَلَا تَبْغُوا عَلَيْهِنَّ سَبِيلًا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيًّا كَبِيرًا
Ang kalalakihan ang tagapangalaga at tagapanustos ng kababaihan, sapagkat ginawa ni Allah na ang isa sa kanila ay manaig (sa lakas) kaysa sa iba, at sapagkat sila ay gumugugol (upang sila ay tustusan) mula sa kanilang kakayahan. Samakatuwid, ang matutuwid na kababaihan ay matimtiman sa pagsunod (kay Allah at sa kanilang asawa), at nangangalaga sa panahong wala ang (kanilang asawa) sa bagay na ipinag-utos ni Allah na dapat nilang bantayan (alalaong baga, ang kalinisan ng kanilang pagkababae, ang ari-arian ng kanilang asawa, atbp.). At sa kababaihan na sa kanilang sarili ay namamasdan ninyo ang kanilang masamang gawa, (sa una) sila ay pangaralan, (pangalawa) huwag sumiping sa kanila, (at panghuli) saktan sila (ng kanti lamang, kung ito ay makakatulong), datapuwa’t kung sila ay magbalik loob sa pagsunod, sila ay huwag ninyong hanapan (ng pagkayamot). Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamataas, ang Pinakadakila
وَإِنْ خِفْتُمْ شِقَاقَ بَيْنِهِمَا فَابْعَثُوا حَكَمًا مِنْ أَهْلِهِ وَحَكَمًا مِنْ أَهْلِهَا إِنْ يُرِيدَا إِصْلَاحًا يُوَفِّقِ اللَّهُ بَيْنَهُمَا ۗ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا خَبِيرًا
At kung kayo ay nangangamba na may pagkakahidwa sa pagitan nilang (mag- asawa), kayo ay magtalaga ng (dalawang) tagapamagitan; isa mula sa pamilya (ng lalaki) at ang isa ay mula sa pamilya (ng babae); kung ninanais nila na ituwid ang mga bagay- bagay (o pangyayari), si Allah ang magbibigay kaganapan ng kanilang pakikipagkasundo; sapagkat si Allah ang may ganap na kaalaman at nakakatalos ng lahat ng bagay
وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا ۖ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَبِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَالْجَارِ ذِي الْقُرْبَىٰ وَالْجَارِ الْجُنُبِ وَالصَّاحِبِ بِالْجَنْبِ وَابْنِ السَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ مَنْ كَانَ مُخْتَالًا فَخُورًا
Paglingkuran ninyo si Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa pagsamba sa Kanya, at magsigawa kayo ng kabutihan sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, sa mahirap na humihingi, sa kapitbahay na malapit sa pagkakamag-anak, sa kapitbahay na hindi malapit sa inyo, angmgakasamahannamalapitsainyo, angmganapapaligaw (na inyong nakadaop) at sa mga angkin ng inyong kanang kamay. Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at hambog
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
