Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #128 Translated in Filipino

وَمَنْ يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ وَلَا يُظْلَمُونَ نَقِيرًا
At sinuman ang gumawa ng mabuting gawa, maging siya ay lalaki o babae, at isang tunay na nananampalataya sa Kaisahan ni Allah (Muslim), sila ay papasok sa Paraiso at walang isa mang katiting na kawalang katarungan, maging ito ay kasinglaki ng mantsa (batik) sa likod ng buto ng palmera, ang igagawad sa kanila
وَمَنْ أَحْسَنُ دِينًا مِمَّنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ وَاتَّبَعَ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۗ وَاتَّخَذَ اللَّهُ إِبْرَاهِيمَ خَلِيلًا
At sino pa kaya ang higit na mabuti sa pananampalataya maliban sa kanya na nagsusuko ng kanyang mukha (sarili) kay Allah (ang pagsunod sa Islam at sa Nag-iisang diyos); at siya ay isang Muhsin (mapaggawa ng kabutihan). At sumusunod sa pananampalataya ni Abraham na Hanifan (sumusunod sa Islam at sumasamba lamang kay Allah). At si Allah ang humirang kay Abraham bilang isang matalik na kaibigan
وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ مُحِيطًا
At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ang Lalagi nang Nakakasakop ng lahat ng bagay
وَيَسْتَفْتُونَكَ فِي النِّسَاءِ ۖ قُلِ اللَّهُ يُفْتِيكُمْ فِيهِنَّ وَمَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فِي الْكِتَابِ فِي يَتَامَى النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا تُؤْتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرْغَبُونَ أَنْ تَنْكِحُوهُنَّ وَالْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الْوِلْدَانِ وَأَنْ تَقُومُوا لِلْيَتَامَىٰ بِالْقِسْطِ ۚ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِهِ عَلِيمًا
At sila ay nagtatanong sa iyong legal na pag-uutos tungkol sa kababaihan, (iyong) ipagbadya: “Si Allah ang nag-utos sa inyo tungkol sa kanila, at (gunitain) kung ano ang dinalit sa inyo sa Aklat, tungkol sa mga ulilang babae na hindi ninyo ginawaran ng itinalagang bahagi (ang tungkol sa Mahr [handog sa kasal] at pamana), magkagayunman ay inyong ninanasa na mapangasawa, gayundin ang (tungkol) sa mga batang mahihina at inaapi, na kayo ay tumayo nang matatagparasakatarunganngmgaulila.Atanumangmabuti ang inyong ginawa, si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng mga ito
وَإِنِ امْرَأَةٌ خَافَتْ مِنْ بَعْلِهَا نُشُوزًا أَوْ إِعْرَاضًا فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا أَنْ يُصْلِحَا بَيْنَهُمَا صُلْحًا ۚ وَالصُّلْحُ خَيْرٌ ۗ وَأُحْضِرَتِ الْأَنْفُسُ الشُّحَّ ۚ وَإِنْ تُحْسِنُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
At kung ang isang babae ay magkaroon ng pangangamba sa kalupitan o pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa, hindi isang kasalanan sa bawat isa sa kanila kung sila ay gumawa ng kasunduan ng kapayapaan sa pagitan nila; at ang pakikipagpayapaan ay higit na mabuti. At ang makataong saloobin (na pangsarili) ay napapahinunod ng pagkagahaman. Datapuwa’t kung kayo ay gumawa ng kabutihan at umiwas sa kasalanan, katotohanang si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng anumang inyong ginagawa

Choose other languages: