Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #131 Translated in Filipino

وَيَسْتَفْتُونَكَ فِي النِّسَاءِ ۖ قُلِ اللَّهُ يُفْتِيكُمْ فِيهِنَّ وَمَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فِي الْكِتَابِ فِي يَتَامَى النِّسَاءِ اللَّاتِي لَا تُؤْتُونَهُنَّ مَا كُتِبَ لَهُنَّ وَتَرْغَبُونَ أَنْ تَنْكِحُوهُنَّ وَالْمُسْتَضْعَفِينَ مِنَ الْوِلْدَانِ وَأَنْ تَقُومُوا لِلْيَتَامَىٰ بِالْقِسْطِ ۚ وَمَا تَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِهِ عَلِيمًا
At sila ay nagtatanong sa iyong legal na pag-uutos tungkol sa kababaihan, (iyong) ipagbadya: “Si Allah ang nag-utos sa inyo tungkol sa kanila, at (gunitain) kung ano ang dinalit sa inyo sa Aklat, tungkol sa mga ulilang babae na hindi ninyo ginawaran ng itinalagang bahagi (ang tungkol sa Mahr [handog sa kasal] at pamana), magkagayunman ay inyong ninanasa na mapangasawa, gayundin ang (tungkol) sa mga batang mahihina at inaapi, na kayo ay tumayo nang matatagparasakatarunganngmgaulila.Atanumangmabuti ang inyong ginawa, si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng mga ito
وَإِنِ امْرَأَةٌ خَافَتْ مِنْ بَعْلِهَا نُشُوزًا أَوْ إِعْرَاضًا فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا أَنْ يُصْلِحَا بَيْنَهُمَا صُلْحًا ۚ وَالصُّلْحُ خَيْرٌ ۗ وَأُحْضِرَتِ الْأَنْفُسُ الشُّحَّ ۚ وَإِنْ تُحْسِنُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرًا
At kung ang isang babae ay magkaroon ng pangangamba sa kalupitan o pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa, hindi isang kasalanan sa bawat isa sa kanila kung sila ay gumawa ng kasunduan ng kapayapaan sa pagitan nila; at ang pakikipagpayapaan ay higit na mabuti. At ang makataong saloobin (na pangsarili) ay napapahinunod ng pagkagahaman. Datapuwa’t kung kayo ay gumawa ng kabutihan at umiwas sa kasalanan, katotohanang si Allah ay Lalagi nang Nakakabatid ng anumang inyong ginagawa
وَلَنْ تَسْتَطِيعُوا أَنْ تَعْدِلُوا بَيْنَ النِّسَاءِ وَلَوْ حَرَصْتُمْ ۖ فَلَا تَمِيلُوا كُلَّ الْمَيْلِ فَتَذَرُوهَا كَالْمُعَلَّقَةِ ۚ وَإِنْ تُصْلِحُوا وَتَتَّقُوا فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
Hindi kailanman kayo makakagawa ng ganap na pakikitungo ng may (pantay) na katarungan sa pagitan ng inyong mga asawang (babae), kahima’t ito ang inyong maalab na naisin, kaya’t kayo ay huwag na lubhang kumiling sa isa sa kanila (sa pagbibigay ng higit ninyong panahon at handog) upang ang iba ay maiwan na nasa alanganin (alalaong baga, hindi diniborsyo o hindi pinangasawa). At kung kayo ay gagawa ng katarungan, at gagawa ng lahat ng matuwid at magkaroon ng pagkatakot kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng kamalian, kung gayon, si Allah ay Lalagi nang Nagpapatawad ng paulit- ulit, ang Pinakamaawain
وَإِنْ يَتَفَرَّقَا يُغْنِ اللَّهُ كُلًّا مِنْ سَعَتِهِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ وَاسِعًا حَكِيمًا
Datapuwa’t kung sila ay maghiwalay (sa pamamagitan ng diborsyo), si Allah ang magkakaloob ng kasaganaan sa bawat isa sa kanila mula sa Kanyang Biyaya. At si Allah ay Lalagi nang may Kasapatan sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam
وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۗ وَلَقَدْ وَصَّيْنَا الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ وَإِيَّاكُمْ أَنِ اتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدًا
At si Allah ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At katotohanan na Aming pinagtagubilinan ang Angkan ng Kasulatan na nangauna sa inyo, at kayo (o mga Muslim), na inyong pangambahan si Allah at inyong panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya, datapuwa’t kung kayo ay hindi manampalataya, kung gayon, kay Allah ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan, at si Allah ay Lalagi nang Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Karapat-dapat sa lahat ng mga Papuri

Choose other languages: