Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #106 Translated in Filipino

وَإِذَا كُنْتَ فِيهِمْ فَأَقَمْتَ لَهُمُ الصَّلَاةَ فَلْتَقُمْ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا أَسْلِحَتَهُمْ فَإِذَا سَجَدُوا فَلْيَكُونُوا مِنْ وَرَائِكُمْ وَلْتَأْتِ طَائِفَةٌ أُخْرَىٰ لَمْ يُصَلُّوا فَلْيُصَلُّوا مَعَكَ وَلْيَأْخُذُوا حِذْرَهُمْ وَأَسْلِحَتَهُمْ ۗ وَدَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ تَغْفُلُونَ عَنْ أَسْلِحَتِكُمْ وَأَمْتِعَتِكُمْ فَيَمِيلُونَ عَلَيْكُمْ مَيْلَةً وَاحِدَةً ۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِنْ كَانَ بِكُمْ أَذًى مِنْ مَطَرٍ أَوْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَنْ تَضَعُوا أَسْلِحَتَكُمْ ۖ وَخُذُوا حِذْرَكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ أَعَدَّ لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
At kung ikaw (o Tagapagbalita, “Muhammad”) ay nasa lipon nila, at sila ay iyong pinamumunuan sa pagdarasal, hayaan ang isang pangkat nila ay magsitindig na kasama ka (sa pagdarasal), na dala-dala ang kanilang mga sandata; at kung matapos na nila ang pagpapatirapa, hayaan silang mamalagi sa likuran at hayaan ang ibang pangkat na hindi pa nakapagdarasal ay lumapit, at hayaan sila na magdasal na kasama ka ng may lahat ng pag-iingat at may hawak na mga sandata. Ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na kung kayo ay maging pabaya sa inyong mga sandata at mga dala- dalahan, kayo ay lulusubin nila nang minsanan, datapuwa’t hindi isang kasalanan kung ibaba ninyo ang inyong mga sandata (kung nabibigatan) at kung ito ay hindi maginhawa kung umuulan, o sa dahilang kayo ay may karamdaman, datapuwa’t gawin ninyo ang lahat ng pag-iingat sa inyong sarili. Katotohanang si Allah ay naghanda ng kaaba-abang kaparusahan sa mga hindi sumasampalataya
فَإِذَا قَضَيْتُمُ الصَّلَاةَ فَاذْكُرُوا اللَّهَ قِيَامًا وَقُعُودًا وَعَلَىٰ جُنُوبِكُمْ ۚ فَإِذَا اطْمَأْنَنْتُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ ۚ إِنَّ الصَّلَاةَ كَانَتْ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ كِتَابًا مَوْقُوتًا
At kung inyo nang natapos ang (sama-samang) pagdarasal, inyong alalahanin si Allah kahima’t kayo ay nakatayo, nakaupo, o nakahimlay sa inyong tagiliran, datapuwa’t kung kayo ay ligtas sa panganib, inyong ialay ang pagdarasal nang mahinusay. Katotohanan, ang pagdarasal ay ipinapatupad sa takdang oras sa mga sumasampalataya
وَلَا تَهِنُوا فِي ابْتِغَاءِ الْقَوْمِ ۖ إِنْ تَكُونُوا تَأْلَمُونَ فَإِنَّهُمْ يَأْلَمُونَ كَمَا تَأْلَمُونَ ۖ وَتَرْجُونَ مِنَ اللَّهِ مَا لَا يَرْجُونَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
At huwag maging mahina sa (inyong) pagtugis sa kaaway kung kayo ay nagdurusa (sa mga kahirapan), gayundin (naman), katiyakang sila (rin) ay nagdurusa (ng mga kahirapan) na katulad ng inyong pagbabata, datapuwa’t mayroon kayong pag-asa mula kay Allah (sa gantimpala ng Paraiso), na rito sila ay hindi umaasa, at si Allah ay Lagi nang Ganap na Nakakaalam, ang Puspos ng Karunungan
إِنَّا أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ لِتَحْكُمَ بَيْنَ النَّاسِ بِمَا أَرَاكَ اللَّهُ ۚ وَلَا تَكُنْ لِلْخَائِنِينَ خَصِيمًا
Tunay ngang ipinanaog Namin sa iyo (o Muhammad) ang Aklat (ang Qur’an) sa katotohanan upang ikaw ay makahatol sa pagitan ng mga tao sa mga bagay na ipinamalas ni Allah sa iyo (pagtuturo ng maka-diyos na pahayag), kaya’t huwag kang maging isa na nakikiusap para sa mga salawahan (at taksil)
وَاسْتَغْفِرِ اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
At iyong paghanapin ang kapatawaran ni Allah, katiyakang si Allah ay Lagi at Paulit- ulit na Nagpapatawad, ang Pinakamaawain

Choose other languages: