Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #92 Translated in Filipino

وَتَرَى الْجِبَالَ تَحْسَبُهَا جَامِدَةً وَهِيَ تَمُرُّ مَرَّ السَّحَابِ ۚ صُنْعَ اللَّهِ الَّذِي أَتْقَنَ كُلَّ شَيْءٍ ۚ إِنَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَفْعَلُونَ
At inyong mapagmamalas ang mga kabundukan na inyong inaakala na siksik, datapuwa’t sila ay maglalaho na katulad ng paglalaho ng mga ulap. (Ito) ang Gawa ni Allah, na Siyang nagpapapangyari ng lahat ng bagay sa ganap na ayos sapagkat katotohanang Siya ang Ganap na Nakakaalam kung ano ang inyong ginagawa
مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا وَهُمْ مِنْ فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ آمِنُونَ
Sinuman ang magdala ng isang mabuting gawa (alalaong baga, ang pananalig sa Kaisahan ni Allah na kasama ang lahat ng gawa ng katuwiran), ay magkakaroon ng higit na mainam kaysa sa katumbas nito, at sila ay magiging ligtas sa lagim ng Araw na yaon
وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَكُبَّتْ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At sinuman ang magdala ng isang masamang gawa (alalaong baga, ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah at bawat buktot at makasalanang gawa), sila ay ihahagis nang pasubasob sa kanilang mukha sa Apoy. (At sa kanila ay ipagbabadya): “Hindi baga kayo binayaran ng anuman maliban sa inyong ginawa?”
إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ الْبَلْدَةِ الَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُ كُلُّ شَيْءٍ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ
Ako (Muhammad) ay pinag-utusan na sumamba lamang sa Panginoon ng lungsod na ito (Makkah), Siya na nagpabanal dito at sa Kanya (ang pagmamay-ari) sa lahat ng bagay. At ako ay pinag-utusan na mapabilang sa mga Muslim (na tumatalima kay Allah sa Islam)
وَأَنْ أَتْلُوَ الْقُرْآنَ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَا أَنَا مِنَ الْمُنْذِرِينَ
At upang dalitin ang Qur’an, kaya’t kung sinuman ang tumanggap ng patnubay, ay tumanggap nito para sa kapakanan ng kanyang sarili, at sinuman ang mapaligaw, iyong (sabihin sa kanya): “Ako ay isa lamang sa mga tagapagbabala.”

Choose other languages: