Surah An-Naml Ayahs #93 Translated in Filipino
مَنْ جَاءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ خَيْرٌ مِنْهَا وَهُمْ مِنْ فَزَعٍ يَوْمَئِذٍ آمِنُونَ
Sinuman ang magdala ng isang mabuting gawa (alalaong baga, ang pananalig sa Kaisahan ni Allah na kasama ang lahat ng gawa ng katuwiran), ay magkakaroon ng higit na mainam kaysa sa katumbas nito, at sila ay magiging ligtas sa lagim ng Araw na yaon
وَمَنْ جَاءَ بِالسَّيِّئَةِ فَكُبَّتْ وُجُوهُهُمْ فِي النَّارِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At sinuman ang magdala ng isang masamang gawa (alalaong baga, ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan ng pananalig sa Kaisahan ni Allah at bawat buktot at makasalanang gawa), sila ay ihahagis nang pasubasob sa kanilang mukha sa Apoy. (At sa kanila ay ipagbabadya): “Hindi baga kayo binayaran ng anuman maliban sa inyong ginawa?”
إِنَّمَا أُمِرْتُ أَنْ أَعْبُدَ رَبَّ هَٰذِهِ الْبَلْدَةِ الَّذِي حَرَّمَهَا وَلَهُ كُلُّ شَيْءٍ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُسْلِمِينَ
Ako (Muhammad) ay pinag-utusan na sumamba lamang sa Panginoon ng lungsod na ito (Makkah), Siya na nagpabanal dito at sa Kanya (ang pagmamay-ari) sa lahat ng bagay. At ako ay pinag-utusan na mapabilang sa mga Muslim (na tumatalima kay Allah sa Islam)
وَأَنْ أَتْلُوَ الْقُرْآنَ ۖ فَمَنِ اهْتَدَىٰ فَإِنَّمَا يَهْتَدِي لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ ضَلَّ فَقُلْ إِنَّمَا أَنَا مِنَ الْمُنْذِرِينَ
At upang dalitin ang Qur’an, kaya’t kung sinuman ang tumanggap ng patnubay, ay tumanggap nito para sa kapakanan ng kanyang sarili, at sinuman ang mapaligaw, iyong (sabihin sa kanya): “Ako ay isa lamang sa mga tagapagbabala.”
وَقُلِ الْحَمْدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمْ آيَاتِهِ فَتَعْرِفُونَهَا ۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ
At ipagbadya (o Muhammad), sa mga pagano at mapagsamba sa diyus- diyosan, atbp.): “Ang lahat ng mga papuri at pasasalamat ay kay Allah. Ipamamalas Niya sa inyo ang Kanyang Ayat (mga Tanda, sa inyong sarili at sa sangtinakpan, o sa kaparusahan, atbp.), at inyong makikilala ito. At ang iyong Panginoon ang nakakatalos ng inyong ginagawa.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
