Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #68 Translated in Filipino

أَمَّنْ يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُ وَمَنْ يَرْزُقُكُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۗ أَإِلَٰهٌ مَعَ اللَّهِ ۚ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong tinatawag na mga diyos), [Siya] na nagpasimula ng paglikha, at matapos ito, ito ay Kanyang uulitin, at (Siya) ang nagkakaloob sa inyo (ng lahat ng bagay) mula sa kalangitan at kalupaan? (Mayroon pa bang) ibang diyos maliban kay Allah? Ipagbadya: “dalhin ninyo ang inyong mga katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan.”
قُلْ لَا يَعْلَمُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الْغَيْبَ إِلَّا اللَّهُ ۚ وَمَا يَشْعُرُونَ أَيَّانَ يُبْعَثُونَ
Ipagbadya: “walang sinuman sa mga kalangitan at kalupaan ang nakakatalastas ng Ghaib (nalilingid) maliban kay Allah, at hindi rin nila mapaghihinuha kung kailan sila ibabangong muli (sa pagkabuhay).”
بَلِ ادَّارَكَ عِلْمُهُمْ فِي الْآخِرَةِ ۚ بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ مِنْهَا ۖ بَلْ هُمْ مِنْهَا عَمُونَ
Hindi, sila ay walang kaalaman sa Kabilang Buhay. Hindi, sila ay nag-aalinlangan tungkol dito. Hindi, sila ay bulag tungkol dito
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَإِذَا كُنَّا تُرَابًا وَآبَاؤُنَا أَئِنَّا لَمُخْرَجُونَ
At ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Kung kami ba ay maging alabok na, kami at ang aming mga ninuno, kami baga ay ibabangong muli
لَقَدْ وُعِدْنَا هَٰذَا نَحْنُ وَآبَاؤُنَا مِنْ قَبْلُ إِنْ هَٰذَا إِلَّا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ
Tunay ngang kami ay pinangakuan nito, kami at ang aming mga ninuno noon pa, katotohanang ang mga ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna.”

Choose other languages: