Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #54 Translated in Filipino

وَمَكَرُوا مَكْرًا وَمَكَرْنَا مَكْرًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Kaya’t sila ay nagsagawa ng isang balak, at Kami ay nagpakana ng isang balak habang ito ay hindi nila napag-aakala
فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَاهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ
At pagmasdan kung ano ang kinahantungan ng kanilang pakana! Katotohanang Aming winasak sila at ang kanilang bansa (pamayanan), lahat nang sama-sama
فَتِلْكَ بُيُوتُهُمْ خَاوِيَةً بِمَا ظَلَمُوا ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ
Ito ang kanilang mga bahay na tandisang napinsala sapagkat gumawa sila ng kamalian. Katotohanang narito ang isang tiyak na Ayah (isang aral o Tanda) sa mga tao na nakakaunawa
وَأَنْجَيْنَا الَّذِينَ آمَنُوا وَكَانُوا يَتَّقُونَ
At Aming iniligtas ang mga nagsisampalataya na nangangamba at sumusunod kay Allah
وَلُوطًا إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِ أَتَأْتُونَ الْفَاحِشَةَ وَأَنْتُمْ تُبْصِرُونَ
At (alalahanin) si Lut nang kanyang sabihin sa kanyang pamayanan (alalaong baga, ang bayan ng Sodom sa Palestina, ang lugar kung nasaan ngayon ang Patay na Dagat). Kayo baga ay gumagawa ng Fahishah (kasamaan, malaking kasalanan, lahat ng uri ng bawal na pakikipagtalik, sodomya, atbp.) habang inyong namamalas (ang isa’t isa na gumagawa ng kasamaan nang lantaran, atbp.)?”

Choose other languages: