Surah An-Naml Ayahs #51 Translated in Filipino
قَالُوا اطَّيَّرْنَا بِكَ وَبِمَنْ مَعَكَ ۚ قَالَ طَائِرُكُمْ عِنْدَ اللَّهِ ۖ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ تُفْتَنُونَ
Sila ay nagsabi: “Kami ay nakakabanaag ng isang masamang pangitain mula sa iyo at sa mga kasama mo.” Siya ay nagsabi: “Ang inyong masamang pangitain ay na kay Allah, tunay nga, kayo ay mga tao na inilagay sa pagsubok.”
وَكَانَ فِي الْمَدِينَةِ تِسْعَةُ رَهْطٍ يُفْسِدُونَ فِي الْأَرْضِ وَلَا يُصْلِحُونَ
At mayroon sa lungsod na siyam na lalaki (mula sa mga anak ng kanilang mga pinuno) na gumagawa ng kabuktutan sa kalupaan at aayaw magbago
قَالُوا تَقَاسَمُوا بِاللَّهِ لَنُبَيِّتَنَّهُ وَأَهْلَهُ ثُمَّ لَنَقُولَنَّ لِوَلِيِّهِ مَا شَهِدْنَا مَهْلِكَ أَهْلِهِ وَإِنَّا لَصَادِقُونَ
Sila ay nagsabi: “Magsumpaan tayo sa isa’t isa sa pamamagitan (sa Ngalan) ni Allah na tayo ay gagawa ng isang lihim na pagsalakay sa gabi sa kanya at sa kanyang kasambahay, at pagkatapos ay titiyakin natin na masabi sa kanyang pinakamalapit na kamag-anak (ito): “Hindi namin nasaksihan ang pagkawasak ng kanyang kasambahay, at katotohanang kami ay nagsasabi ng katotohanan!”
وَمَكَرُوا مَكْرًا وَمَكَرْنَا مَكْرًا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Kaya’t sila ay nagsagawa ng isang balak, at Kami ay nagpakana ng isang balak habang ito ay hindi nila napag-aakala
فَانْظُرْ كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ مَكْرِهِمْ أَنَّا دَمَّرْنَاهُمْ وَقَوْمَهُمْ أَجْمَعِينَ
At pagmasdan kung ano ang kinahantungan ng kanilang pakana! Katotohanang Aming winasak sila at ang kanilang bansa (pamayanan), lahat nang sama-sama
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
