Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naml Ayahs #40 Translated in Filipino

فَلَمَّا جَاءَ سُلَيْمَانَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالٍ فَمَا آتَانِيَ اللَّهُ خَيْرٌ مِمَّا آتَاكُمْ بَلْ أَنْتُمْ بِهَدِيَّتِكُمْ تَفْرَحُونَ
Kaya’t nang (ang mga sugo na nagdala ng regalo) ay dumating kay Solomon, siya ay nagsabi: “Ako ba ay tutulungan ninyo sa kayamanan? Datapuwa’t kung anuman ang iginawad sa akin ni Allah ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay sa inyo! Hindi, kayo ay nagsasaya sa inyong regalo!”
ارْجِعْ إِلَيْهِمْ فَلَنَأْتِيَنَّهُمْ بِجُنُودٍ لَا قِبَلَ لَهُمْ بِهَا وَلَنُخْرِجَنَّهُمْ مِنْهَا أَذِلَّةً وَهُمْ صَاغِرُونَ
(At si Solomon ay nagsabi sa pinuno ng kanyang mga sugo na nagdala ng regalo): “Magsibalik kayo sa kanila. Katotohanang tayo ay paparoon sa kanila na may mga pangkat na hindi nila masusupil, at sila ay ating itataboy mula roon na kahiya-hiya, at sila ay magiging hamak.”
قَالَ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ أَيُّكُمْ يَأْتِينِي بِعَرْشِهَا قَبْلَ أَنْ يَأْتُونِي مُسْلِمِينَ
Siya (Solomon) ay nagsabi: “o mga pinuno! Sino sa inyo ang makakapagdala sa akin ng kanyang luklukan bago sila ay pumarito sa akin na nagsusuko ng kanilang sarili sa pagtalima?”
قَالَ عِفْرِيتٌ مِنَ الْجِنِّ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ تَقُومَ مِنْ مَقَامِكَ ۖ وَإِنِّي عَلَيْهِ لَقَوِيٌّ أَمِينٌ
Isang Ifrit (na malakas) mula sa mga Jinn ang nagsabi: “Ako ang maghahatid nito sa iyo bago ka tumindig sa iyong lugar (sanggunian). At katotohanang ako ay tunay na malakas at mapagkakatiwalaan sa gayong gawain.”
قَالَ الَّذِي عِنْدَهُ عِلْمٌ مِنَ الْكِتَابِ أَنَا آتِيكَ بِهِ قَبْلَ أَنْ يَرْتَدَّ إِلَيْكَ طَرْفُكَ ۚ فَلَمَّا رَآهُ مُسْتَقِرًّا عِنْدَهُ قَالَ هَٰذَا مِنْ فَضْلِ رَبِّي لِيَبْلُوَنِي أَأَشْكُرُ أَمْ أَكْفُرُ ۖ وَمَنْ شَكَرَ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ رَبِّي غَنِيٌّ كَرِيمٌ
At ang isa (sa kanila) na may karunungan sa Kasulatan ay nagsabi: “Ito ay aking dadalhin sa inyo sa isang kurap lamang ng mata!”, at nang makita (ni Solomon) na ito ay inilagay sa kanyang harapan, siya ay nagsabi: “Ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng aking Panginoon, - upang ako ay masubukan kung ako ay may pasasalamat o walang pagtanaw ng pasasalamat! At kung sinuman ang may pagtanaw ng pasasalamat, katiyakang ang kanyang pagbibigay ng pasasalamat (ay tungo sa kabutihan) ng kanyang sarili, at sinuman ang walang pagtanaw ng pasasalamat, (ang kanyang kawalan nang pagtanaw ng pasasalamat ay para lamang sa kasahulan ng kanyang sarili). Katiyakan, ang aking Panginoon ay Masagana (hindi nangangailangan ng anuman), ang Tigib ng Biyaya.”

Choose other languages: