Surah An-Nahl Ayahs #96 Translated in Filipino
وَلَا تَكُونُوا كَالَّتِي نَقَضَتْ غَزْلَهَا مِنْ بَعْدِ قُوَّةٍ أَنْكَاثًا تَتَّخِذُونَ أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ أَنْ تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرْبَىٰ مِنْ أُمَّةٍ ۚ إِنَّمَا يَبْلُوكُمُ اللَّهُ بِهِ ۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ
At huwag maging katulad niya na nagtatastas ng sinulid na kanyang hinabi matapos na ito ay maging matibay sa pamamagitan nang pagsasabi ng inyong sumpa bilang isang paraan ng pandaraya sa lipon ninyo, kung hindi, marahil ang isang bansa (pamayanan) ay magiging higit na marami kaysa sa ibang bansa (pamayanan). Si Allah ay sumusubok sa inyo sa pamamagitan nito (alalaong baga, siya na sumusunod kay Allah at tumutupad ng Kasunduan ni Allah at siya na sumusuway kay Allah at sumisira sa Kasunduan ni Allah). At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katiyakan na Kanyang gagawing maliwanag sa inyo ang mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan (alalaong baga, ang isang nananampalataya ay nagsasabi at nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa pagka-Propeta ni Propeta Muhammad na itinatatwa ng mga hindi sumasampalataya, at ito ang kanilang pagkakaiba sa buhay sa mundong ito)
وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي مَنْ يَشَاءُ ۚ وَلَتُسْأَلُنَّ عَمَّا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
At kung niloob lamang ni Allah, Kanyang magagawa kayong (lahat) na maging isang bansa (pamayanan), datapuwa’t hinahayaan Niya ang sinuman na Kanyang maibigan na mapaligaw, at pinapatnubayan Niya (sa tamang landas) ang sinuman na Kanyang mapusuan. Datapuwa’t katiyakang kayo ay tatawagin upang magsulit ng inyong ginawa
وَلَا تَتَّخِذُوا أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ فَتَزِلَّ قَدَمٌ بَعْدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُوا السُّوءَ بِمَا صَدَدْتُمْ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلَكُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
At huwag ninyong gawin ang inyong mga sumpa bilang paraan nang panlilinlang sa inyong lipon, kung hindi, marahil ang isang paa ay madudulas matapos na maitanim nang matatag, at kayo ay lalasap ng masamang (kaparusahan sa mundong ito) dahilan sa inyong paghadlang (sa mga tao) tungo sa Landas ni Allah (alalaong baga, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at sasainyo ang matinding kaparusahan (alalaong baga, ang apoy ng Impiyerno sa Kabilang Buhay)
وَلَا تَشْتَرُوا بِعَهْدِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ إِنَّمَا عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At huwag kayong bumili ng maliit na pakinabang sa pagtatalusira ninyo sa Kasunduan ni Allah. Katotohanan! Kung ano ang nakalaan mula kay Allah ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman
مَا عِنْدَكُمْ يَنْفَدُ ۖ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ بَاقٍ ۗ وَلَنَجْزِيَنَّ الَّذِينَ صَبَرُوا أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Kung anuman ang nasa sa inyo, ito ay mapaparam, at kung anuman ang nasa kay Allah (na mabubuting gawa) ay mananatili. At sila na matitiyaga, katiyakan, sila ay Aming babayaran ng gantimpala ng ayon sa pinakamainam na kanilang ginawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
