Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #99 Translated in Filipino

وَلَا تَشْتَرُوا بِعَهْدِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ إِنَّمَا عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At huwag kayong bumili ng maliit na pakinabang sa pagtatalusira ninyo sa Kasunduan ni Allah. Katotohanan! Kung ano ang nakalaan mula kay Allah ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman
مَا عِنْدَكُمْ يَنْفَدُ ۖ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ بَاقٍ ۗ وَلَنَجْزِيَنَّ الَّذِينَ صَبَرُوا أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Kung anuman ang nasa sa inyo, ito ay mapaparam, at kung anuman ang nasa kay Allah (na mabubuting gawa) ay mananatili. At sila na matitiyaga, katiyakan, sila ay Aming babayaran ng gantimpala ng ayon sa pinakamainam na kanilang ginawa
مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً ۖ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sinuman ang gumagawa ng kabutihan, maging lalaki at babae, habang siya ay nananatili na isang sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, sa Islam), katotohanan, sa kanya ay igagawad Namin ang isang mabuting buhay (sa mundong ito ng may paggalang, kasiyahan, at pinahihintulutang kabuhayan [ikabubuhay]), at katiyakan na Aming babayaran sila ng gantimpala ng ayon sa (sukat o timbang) ng pinakamainam sa kanilang ginawa (alalaong baga, ang Paraiso sa Kabilang Buhay)
فَإِذَا قَرَأْتَ الْقُرْآنَ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيمِ
Kaya’t kung nais ninyong dalitin ang Qur’an, manikluhod kayo ng kalinga ni Allah laban kay Satanas, ang itinakwil (ang isinumpa)
إِنَّهُ لَيْسَ لَهُ سُلْطَانٌ عَلَى الَّذِينَ آمَنُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ
Katotohanan! Siya (Satanas) ay walang kapangyarihan na makakapanaig sa mga nananampalataya at naglalagay ng kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon(Allah)

Choose other languages: