Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Ayahs #44 Translated in Filipino

إِنَّمَا قَوْلُنَا لِشَيْءٍ إِذَا أَرَدْنَاهُ أَنْ نَقُولَ لَهُ كُنْ فَيَكُونُ
Katotohanan! Ang Aming Salita, kung Kami ay magnais ng isang bagay, (ito) lamang ang Aming wiwikain: “Mangyari nga!” At ito ay magaganap
وَالَّذِينَ هَاجَرُوا فِي اللَّهِ مِنْ بَعْدِ مَا ظُلِمُوا لَنُبَوِّئَنَّهُمْ فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً ۖ وَلَأَجْرُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
At sa mga lumilikas ng tirahan tungo sa Kapakanan ni Allah, matapos na sila ay magdanas ng pang-aapi, katotohanang Aming gagawaran sila ng magandang pananahanan sa mundong ito, datapuwa’t katiyakan, ang gantimpala ng Kabilang Buhay ay higit na mainam kung kanila lamang nalalaman
الَّذِينَ صَبَرُوا وَعَلَىٰ رَبِّهِمْ يَتَوَكَّلُونَ
(Sila ang) nananatiling matiisin (sa mundong ito dahil sa Kapakanan ni Allah), at nag-aalay ng kanilang pagtitiwala sa kanilang Panginoon (kay Allah lamang)
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۚ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
At hindi Kami nagsugo (bilang Aming mga Tagapagbalita) nang una pa sa iyo (o Muhammad) ng iba pa maliban na mga tao, na Aming binigyang inspirasyon, (upang mangaral at mag-anyaya sa sangkatauhan na manampalataya sa Kaisahan ni Allah). Kaya’t tanungin sila na nakakaalam ng Kasulatan (mga pantas ng Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), kung hindi ninyo nalalaman
بِالْبَيِّنَاتِ وَالزُّبُرِ ۗ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الذِّكْرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيْهِمْ وَلَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ
Ng mga maliliwanag na Tanda at Aklat (na Aming ipinadala sa mga Tagapagbalita). At ipinanaog din Namin sa iyo (O Muhammad) ang Paala-ala at Patnubay (ang Qur’an), upang iyong maipaliwanag nang mahusay sa mga tao kung ano ang ipinahayag sa kanila, upang sila ay magbigay ng pagmumuni-muni

Choose other languages: